Monday, February 06, 2023

PAGSISIYASAT SA SMUGGLING NG AGRI PRODUCTS, TATAPUSIN NA

anne


Patatapusin muna ng House Ways and Means Committee ang pagdinig na isinasagawa ngayon ng Committee on Agriculture and Food sa pangunguna ni Quezon Representative Mark Enverga kaugnay sa pagtaas ng presyo ng sibuyas at smuggling ng mga agricultural products.


Ayon kay Cong. Salceda na kaniyang napagdesisyunan na tapusin na muna ng Committee on Agriculture and food ang kanilang pagdinig ng sa gayon hindi magkaroon ng pagsapaw.


Sa pagdinig ng house ways and means kaninang umaga  hindi kasama sa agenda ang pagdinig sa smuggling.


Sinabi ni Salceda humingi siya ng payo kay House Speaker Martin Romualdez hinggil sa isyu.


Siniguro din ni Salceda na ipagpapatuloy nito ang pagdinig sa mga susunod na araw.


Hindi naman sinabi ng mambabatas kung kailan nakatakda ang pagdinig ng kaniyang komite kaugnay sa smuggling.


Inaasahang dadalo sa pagdinig ang mga tinukoy na personalidad na nasa likod ng bigtime smuggling sa bansa.


Una ng sinabi ni ways and means vice chair at Agap Party list Representative Nicanor Briones na sa February 13,2023 nakatakda ang susunod na pagdinig.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home