PAGDINIG HINGGIL SA MGA BASIC COMMODITIES AT TABACCO, NAKATAKDA NA SA FEBRUARY 13
Kinumpirma ni Agap Partylist Rep. Nicanor Briones na siya ring vice chairman din ng Committee Ways and Means na nakatakda sa February 13, 2023 sa susunod na Lunes ang pagdinig ng komite sa isyu ng smuggling sa mga basic commodities and tobacco.
Sa panayam kay Cong. Briones, sinabi nito na maging siya ay nagulat kung bakit bigla na lamang kinansela ang hearing nuong nakaraang Lunes.
Ayon kay Rep. Briones, First time kasi sana na mangyayaring kasama sa hearing ang mga alleged big time smugglers.
Sinabi ng mambabatas na ang dahilan ng Committee Chair na si Rep. Joey Salceda ay nais nito maging patas ang pag iimbestiga ng Kamara hinggil sa naturang isyu.
Kahit na hindi kinonsulta ang mga grupo ng magsasaka sa consultation, naniniwala pa rin si Briones na seryoso si Rep. Salceda at Rep. Suansing na matutuloy ang hearing kasama ang mga alleged smugglers na ito.
Oportunidad din kasi ito para maklaro at malinis ang mga pangalan ng mga inaakusahang smugglers.
Kasama sa mga inaasagang dadalo ang isang kontrobersiyal na indibidwal na si Michael Ma.
Samantala, binigyang diin ni Briones na mahalaga na magkaroon muli ng pagdinig hinggil sa nasabing isyu dahil inaabangan ito ng publiko.
Aniya kapag hindi tinuloy ang pagdinig magagalit ang publiko at magkaroon ng perception na ito ay naayos.
Ayon sa mambabatas marami ang dapat malinawan sa isyu lalo at umaabot sa P7 billion ang nawawalang revenue o kita ng gobyerno dahil sa smuggling.
Naniniwala naman si Briones na hindi basta basta na lamang maglabas ng mga pangalan si Rep. Toto Suansing kung hindi ito reliable.
Isinusulong din ni Briones ang HB No. 6975.
Layong ng panukalang batas na ito ay mapigilan ang smuggling, hoarding, profiteering, at cartel na nagpapahirap sa magsasaka, mangingisda, at mamimili.
Inihayag naman ni Briones na posible umabot sa P30 bilyon ang income ng cartel at hoarders kapag hindi durugin at wasakin ang mga nakumpiskang sibuyas dahil maaari pa rin itong mapapagkakitaan muli ng cartel at hoarders.
Sabi ni Briones kapag binenta pa sa merkado ang mga na-confiscate na mga agricultural products, yung mga nagmamanipula rin ang nakakabili at binebenta ng napakamahal sa mga consumers.
Dagdag pa ng mambabatas nakakalungkot din na sobra-sobra ang importasyon at sinasabay ito sa harvest period.
Panawagan ni Briones, bigyan lang sana ng oras na kumita ang mga farmers para dumami ang production.
Aniya, Overimportation at smuggling talaga ang nagiging kalaban ngayon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home