EDDIE GARCIA BILL, APRUBADO NA SA KAMARA
Isa Umali / Feb. 06
Sa botong 240 na pabor at walang pagtutol --- aprubado na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 1270 o mas kilala bilang “Eddie Garcia Bill.”
Ang panukala ay ipinangalan sa yumaong beteranong aktor na si Eddie Garcia, na namatay noong June 2019.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa oras na maging ganap na batas --- masasakop ng Eddie Garcia Act ang libo-libong tao na nagta-trabaho sa entertainment sector o independent contractors sa pelikula, telebisyon at radyo.
Titiyakin aniya nito ang mabuting employment, kaligtasan at proteksyon laban sa mga abuso, harassment, mapanganib na “working environment,” exploitation at iba pa na nasa industriya.
Nakasaad pa sa panukala na dapat ay mayroong kontrata sa pagitan ng employer at independent contractor bago magsimula ang proyektong gagawin, at nakalagay na rito ang oras at ang gagawing serbisyo.
Dapat ding sumunod sa batas ang pagkuha ng mga menor-de-edad.
Ang bayad naman ay hindi maaaring mas mababa sa minimum wage at dapat ay mayroong benepisyo mula sa Social Security System, Pag-IBIG Fund, at Philhealth.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home