SA PAMAMAGITAN NG DISASTER RELIEF AND REHABILITATION NA INISYATIBA NG SPEAKER, MAMAMAHAGI ANG KAPULUNGAN NG $100,000 SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA TURKEY
Bilang humanitarian aid sa libo-libong biktima ng lindol sa Turkey, ay magbabahagi ng pinansyal na ayuda ang Kapulungan ng mga Kinatawan, na nagkakahalaga ng $100,000 sa pamamagitan ng Disaster Relief and Rehabilitation na inisyatiba ng Speaker. Ang Turkey ang kauna-unahang bansa na rumesponde sa Pilipinas matapos na manalasa ang Bagyong Yolanda (may international na pangalang Haiyan).
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, taos-pusong tumatanaw siya ng utang na loob sa Turkey sa ipinaabot nilang tulong sa Leyte, at maraming bahagi ng lugar sa Silangang Samar, noong Nobyembre 2013.
Ang Haiyan ang isa sa pinakamalakas na tropical cyclones na naitala sa kasaysayan.
Umabot sa mahigit na 6,000 dahil sa bagyo ang nasawi at marami rin ang nawala, bukod pa sa libo-libong pamilya ang nawalan ng tirahan.
“The assistance extended by Turkey, the United States and our allies and friends abroad helped ease the pain and suffering of our people,” ani Romualdez.
Ang pondo ay magmumula sa Disaster Relief and Rehabilitation Initiative ng Speaker na inilunsad sa pagdiriwang ng kanyang ika-59 na kaarawan noong ika-14 ng Nobyembre.
Sa nasabing okasyon, umabot sa P70.92-milyong pera at pangako para sa mga biktima ng kalamidad ang naipon, at ang mga biktima ng sunog sa Lungsod ng Navotas ang mga unang nakinabang, kasunod ang mga biktima ng mga pagbaha sa Mindanao at Visayas.
Gayundin noong nakaraang Nobyembre, nakakalap ang Kapulungan ng P49.2-milyon sa mga kontribusyon at pangako ng mga donasyong in-kind, tulad ng mga kumot, pagkain, at toiletries mula sa mga mambabatas at mga pribadong indibiduwal para sa Paeng relief drive.
Ang mga kontribusyon ay umabot sa kabuuang halaga ng P120-milyon, kabilang ang ayuda sa mga biktima ng Bagyong Paeng.
Ipapaabot ni Speaker ang halagang $100,000 na ayuda kay Turkey Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol at sa kanyang maybahay na si Inddri Puspitarasi sa Lunes, sa kanyang tanggapan sa Batasang Pambansa complex sa Lungsod ng Quezon.
Inaasahang dadalo ang ilang mga opisyal ng Kapulungan sa turnover ceremony.
Imbes na donasyong in kind, nanawagan si Romualdez sa kanyang mga kamag-anak at mga kapwa mambabatas at kaibigan na nagpaabot ng tulong noon sa kanyang kaarawan na muling magbahagi sa fund drive.
Isang magnitude 7.8 na lindol ang nanalasa sa Timog-Silangang Turkey at Hilagang-Kanluran ng Syria noong ika-6 ng Pebrero, na sinundan ng 7.5 magnitude na pagyanig, na naging dahilan ng maraming aftershocks.
Ang mga paglindol ay naging sanhi ng mga pagguho ng mga gusali, kabahayan, at mga makasaysayang lugar sa buong rehiyon.
Sa pinakahuling pagtaya, umabot na sa 21,000 ang nasawi at dalawang Pilipino ang napaulat na kasama sa binawian ng buhay. #
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home