Thursday, March 16, 2023

IMBESTIGASYON SA PAG-RECYCLE NG DROGA AT SISTEMA NG PABUYA, IPINAGPATULOY

Ipinagpatuloy ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamunuan ni Surigao de Norte Rep Robert Ace Barbers ang kanilang motu proprio investigation sa diumano'y pag-recycle, sistema ng pabuya, at ang umano’y komisyon na natatanggap ng mga impormante, o non-organic intelligence na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). 


Sinabi ni Rep. Barbers na ang nasabing pamamaraan, gaya ng inihayag ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ay isang indikasyon na ang ating law enforcement agencies ay may mga unscrupulous na mga empleyado na patuloy pa ring ibinibenta ang kinabukasan ng ating mga kabataan at ng ating lipunan para lamang sa kanilang personal na kapakinabangan 


Ayon sa kanya, these people are a menace to our society, at idinagdag pa niya na ang mga taong ito ay mas masahol pa … sa mga drug dealers na hinuhuli. Nagmumukhang ligal at government sponsored ang ating mga drug deals. Kaya pala hindi matapos tapos at maubos ubos ang iligal na droga sa ating kalsada.


Binigyang-diin ni Director General Lazo na walang polisiya ang PDEA na nagbibigay ng 30 porsiyento ng mga nakumpiskang iligal na droga sa mga impormante bilang pabuya. 


Nilinaw niya na ang kaniyang isiniwalat sa publiko na may mga fixer na naghahanap ng mga nakumpiskang droga bilang pabuya ay isinagawa nang walang masamang hangarin. 


Pinuri naman ni Rep. Barbers si PDEA Director General Lazo sa pagharap at tiniyak nito sa kaniya ang "lahat ng suporta at proteksyon kung kinakailangan sa pagsisiwalat ng katotohanan upang iligtas ang ating bansa" ng Komite. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home