Friday, April 14, 2023

Jopel Nangako si Speaker Romualdez na lalo pang pagbubutihin… N

Nangako si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na lalo pang pagbubutihin ng Kamara ang kanilang pagtatrabaho upang higit na mapagsilbihan ang mga Pilipino.


Ayon kay Speaker Romualdez, labis ang kanyang pasasalamat sa mga Pilipino dahil sa ibinigay na kumpiyansa at tiwala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.


Ginawa ng House Speaker ang pahayag matapos lumabas sa resulta ng March 2023 Pulse Asia Survey, na nakakuha ng 51% approval rating ang House of Representatives.


Ikinagagalak ani Speaker Romualdez na malaman na pinahahalagahan ng mas nakararami ang pagsisikap ng Kamara na mapagtibay ang mga panukalang lilikha ng maraming trabaho, business opportunities, assistance program para sa mahihirap at magbibigay daan upang magkaroon ng mas maginhawang bukas ang mga Pilipino.


Ipinangako pa ng house Speaker na gagawin nila ang lahat upang maipasa ang mga nakabinbin na panukalang batas na kabilang sa 8-point socioeconomic agenda ni  Pang. Ferdinand Marcos, Jr., na may hangaring, maiangat ang pamumuhay ng bawat mamamayan ng bansa. Jopel wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home