PAGDINIG SA KONTROBERSIYAL NA SHABUNG NASABAT SA TONDO NOONG NAKARAANG OKTUBRE, IPAGPAPATULOY NG KOMITE SA KAMARA
Nakatakdang ipagpapatuloy bukas, Miyerkules, ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagdinig sa kontrobersyal na 990-kilo ng shabu na nasabat sa Tondo, maynila noong 0ctober 8, 2022.
Layun ng imbestigasyon na matukoy ang mga hinihinalang “ninja cops” na sangkot sa isyu ng umanoy tangkang pagcover-up kay dismissed P/MSgt. Rodolfo Mayo Jr., at pag-recycle sa mga nasamsam na iligal na droga.
Maliban dito, nais din ng komite na pinamumunuan ni Surigao Del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na makalikha ng bagong batas upang maiwasan na muling madawit sa illegal drug recycling ang mga otoridad.
Sinabi ni Barbers, na ilang opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang inimbitahan sa pagdinig partikular na iyung mga nakita sa cctv footage sa mismong crime scene.
Kabilang din sa mga inimbitahang resource persons ni Cong. Barbers, sina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Justice Secretary Crispin Remulla, Newly Appointed PNP Chief Maj. Gen. Benjamin Acorda, PDEA Chief Ret. P/Gen. Virgilio Lazo, former PDEA chief Wilkins Villanueva, former PDEA NCR Director Alvin Alvarin, at ilan pang opisyal ng Bureau of Customs, Philippine Coast Guard, at NBI.
Inaasahan ding dadalo sa committee hearing na ito si suspended PNP DEG Agent Mayo, na syang may-ari ng WPD Lending kungsaan nakuha ang 990 kilos ng shabu.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home