Tuesday, April 25, 2023

PMMA, NAIS NA PALAKASIN NI DATING PANGULO AT NGAYO’Y SENIOR DEPUTY SPEAKER GMA

Nais ni dating pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na palakasin pa ang kapasidad ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA).


Sa kaniyang pagharap sa PMMA kamakailan para sa pagpapasinaya ng life size statue ng kaniyang ama na si dating Pang. Diosdado Macapagal, sinabi nito na inaaral na sa Kamara ang pag-convert ng PMMA bilang Philippine National Marine Academy (PNMA) 


Ayon kay Arroyo, itutulak niya sa mga kasamahang mambabatas na pagtibayin ang naturang panukala upang maipantay ang PMMA sa Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy.


Sa kasalukuyan, mayroon nang isang panukala na nakahain sa Kamara hinggil dito.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home