PARTNERSHIP NG PILIPINAS, ESTADOS UNIDOS AT INDIA SA PAGTATAYO NG DIGITAL INFRASTRUCTURE SA BANSA, IPINAPANUKALA NG HOUSE SPEAKER
Posibleng magkaroon ng partnership ang Pilipinas, United States (US), at India sa pagtatayo ng digital public infrastructure sa bansa.
Ito ang ipinapanukala ni House Speaker Martin Romualdez matapos dumalo sa Digital Public Infrastructure lecture nuong Sabado (ora sa Pilipinas) na ginanap sa International Monetary Fund (IMF) headquarters sa Washington D.C.
Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng lider Kamara si Mr Nandan Nilekani, isa sa mga founders ng Indian multinational information technology company, ang Infosys.
Ang nasabing aktibidad ay parte ng World Bank (WB)-IMF Spring Meetings.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang pagtatayo ng public digital platforms ay napaka angkop at naka linya sa campaign promise ni Pangulong Marcos na palakasin ang digital transformation ng bansa.
Sinabi ni Speaker na ito ang dahilan sa pagpasa ng House of Representatives sa E-Governance/E-Government Bill, na layong ilipat ang buong burukrasya sa digital space para sa mas mabilis at transparent na pagbibigay serbisyo at pagka karoon ng magandang pakikipag ugnayan sa publiko.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home