PONDONG PANTUSTOS SA PAGPAPAGAMOT NG MGA MAHIHIRAP NA MAY KANSER, ISINUSULONG SA KAMARA
Isinusulong ngyon sa Kamara ang paglikha ng P10 billion fund para matustusan ang pagpapagamot at pangangalaga sa mga mahihirap na may cancer.
Nakapaloob ito sa HB07687 na inihain nina Davao City 1st District Rep Paolo Duterte, Benguet Rep Eric Yap at ACT-CIS Partylist Rep Edvic Yap.
Layunin ng panukala na palakasin ang assistance fund na nakapaloob sa National Integrated Cancer Control Act dahil hindi ito sapat kaya nananatiling pasanin pa rin sa mga maralitang cancer patients ang malaking gastos sa kanilang pagpapagamot.
Ang ipinanukalang P10 billion Cancer Medicine and Treatment Fund ay pangangasiwaan ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa pamamagitan ng mga accredited nitong government hospitals.
Magkatuwang na tutukuyin ang mga benepisaryo ng naturang pondo ng Philhealth, Department of Social Welfare and Development, Department of Health at Department of the Interior and Local Government.
grace
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home