PANDEMIC GENERATION GRADUATES, NAHIHIRAPAN TALAGANG HUMANAP NG TRABAHO SA KASALUKUYAN
Naniniwala si Albay Rep Joey Salceda na mahirap talagang makahanap ng trabaho ang mga bagong graduates ngayon na nabibilang sa pandemic generation.
Ngunit sinabi naman niya na hindi ito dapat isisi lang sa kakulangan ng soft skills ng mga bagong nastapos lalu na at malinaw sa obserbasyon ng international studies na nagkaroon talaga ng epekto ang lockdown at isolation sa pag-aaral ng mga estudyante kung saan wala silang kahalubilo.
Diin ni Salceda, may malaking ambag din ang inflation kaya nahihirapan sa paghahanap ng trabaho ang nakararami sa pangkalahatan.
Kaya ayon sa kanya, dapat mapababa ang presyo ng pagkain, petrolyo at kuryente upang makalikha ng dagdag pang trabaho para sa bagong miyembro ng workforce.
Dagdag pa ng mambabatas, kung ang pagbabatayan ay ang job figures, masasabing may problema rin sa hard skills ang sektor ng paggawa.
Ibinabase ng solon sa datus mula February 2022 hanggang February 2023 na nakapagtala ng pagtaas sa empleyo ang lahat ng propesyon maliban na lamang ang managers, skilled agriculture, forestry at fisheries at crafts, trades and related works.
Bunsod nito ay iminungkani ni Salceda na makabubuting pag-aralan kung anong mga skills ang kailangan sa ating ekonomiya na dapat taglayin ng mga naghahanap ng trabahao sa bansa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home