SPEAKER, NANGAKONG MAS PAGBUBUTIHIN ANG PAGLILINGKOD SA KABILA NG 51% APPROVAL RATING SA MARCH 2023 PULSE ASIA SURVEY
Nangako ngayong Huwebes si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na mas lalo niyang pag-iigihin ang paglilingkod habang kanyang ipinapahayag sa sambayanang Pilipino ang kanyang pagtanaw ng utang na loob, matapos na lumabas ang resulta ng March 2023 Pulse Asia Survey, kung saan ay nakatanggap siya ng 51% approval rating para sa kanyang mga ginagawa.
“It is heartening to know that a majority of our people appreciate our earnest effort to pass measures to create jobs and business opportunities, provide assistance to the poor, and build a better future for all Filipinos,” ani Romualdez.
“As a token of our gratitude, we will work even harder to pass the pending bills to advance the 8-point socioeconomic agenda of President Ferdinand R. Marcos, Jr. designed to uplift the lives of our people,” dagdag niya.
Sa ilalim ng “Ulat ng Bayan” na pambansang survey na isinagawa mula ika-15 ng Marso hanggang 19, 2023, ay nakapagrehistro ng majority approval rating sina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., Vice President Sara Duterte, Senate President Juan Miguel Zubiri, at Speaker Romualdez.
Si Pangulong Marcos ay nakapagrehistro ng 78% approval rating, VP Duterte na may 83%, habang sina SP Zubiri at Speaker Romualdez na nakapagrehistro ng parehong 51% approval rating. Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo naman ay nakatanggap ng approval rating na 43%.
Ipinakita sa resulta ng survey na karamihan sa mga taga Kalakhang Maynila (57%), Visayans(77%), Mindanawons (58%), at ang mga nasa class E (66%) ay pabor sa mga gawain ni Speaker Romualdez.
Lumabas ang resulta ng Pulse Asia survey isang linggo matapos na ilabas rin noong ika-6 ng Abril 2023 ang resulta ng Social Weather Stations Fourth Quarter 2022 survey, na isinagawa mula ika-10 hanggang 14 noong nakaraang taon, kung saan ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay nakatanggap ng “very good” o +56 net satisfaction rating.
Sinabi ni Romualdez na ang resulta ng SWS survey ay isang “testament to the hard work and dedication of our legislators in serving the Filipino people during these challenging times.”
“As House leader, I am deeply honored, humbled, and grateful to Filipino people for their trust and confidence in the House of Representatives,” dagdag niya.
Gayundin, pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang mga Miyembro ng Kapulungan sa kanilang solidong suporta at kooperasyon na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na magabayan ang Kapulungan sa pagsusulong ng mga panukalang tutugon sa mga pangangailangan ng sambayanan.
Nang mag-adjourn ang Kapulungan para sa bakasyon ngayong Semana Santa noong ika-23 ng Marso, iniulat ni Speaker Romualdez na inaprubahan ng Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang 23 sa 31panukala na tinukoy sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bilang mga prayoridad na panukala ng administrasyong Marcos, habang ang natitirang walong panukala ay kasalukuyan nang binabalangkas.
Dalawa sa mga panukalang ito ay ganap nang naging batas matapos lagdaan ni Pangulong Marcos, Jr., at ito ang SIM Registration Act at ang panukala na nagpapaliban sa halalang barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre ngayong taon.
Ang 20 iba pang inendorsong mga panukala ng LEDAC na aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay ang mga sumusunod: Magna Carta of Seafarers, E-Governance Act / E-Government Act, Negros Island Region, Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, National Disease Prevention Management Authority or Center for Disease Control and Prevention, Medical Reserve Corps, Philippine Passport Act; Internet Transaction Act / E-Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, Build-Operate-Transfer (BOT) Law, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform, Eastern Visayas Development Authority, Leyte Ecological Industrial Zone, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery, National Citizens Service Training Program, at Rightsizing the National Government.
Niratipikahan rin ng Kapulungan bago magbakasyon sa Semana Santa ang ulat ng bicameral conference committee sa panukalang AFP Fixed Term at ang Agrarian Reform Debts Condonation.
Bukod sa 31 panukala na nasa talaan ng LEDAC, sinabi ni Speaker Romualdez na tinukoy ng Kapulungan ang 21 panukala na nais nilang iprayoridad, kung saan ang 10 ay para iendorso ng LEDAC. Apat rito ay ang – panukalang Maharlika Investment Fund, Ease of Paying Taxes Act, LGU Income Classification, at Amendment to Universal Health Care Act – ang aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa.
Ang talaan ng prayoridad ng Kapulungan ay kinabibilangan rin ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, na nanawagan ng constitutional convention upang amyendahan ang “restrictive” na mga probisyong pang-ekonomiya ng Charter upang makahimok ang bansa ng mas maraming dayuhang pamuhunan, at ang panukalang magpapatupad nito, ang HB No. 7352.
Sa botong 301 laban sa anim na kontra at isang abstensyon ay inaptubahan ng Kapulungan ang RBH No. 6 sa ikatlo at huling pagbasa. Ang HB No. 7352 ay pasado rin sa ikatlong pagbasa na may 301 pabor na boto laban sa pitong kontra.
Ang iba pang mga prayoridad ng Kapulungan na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay ang mga sumusunod: On-Site, In-City Near City Local Government Resettlement Program, Open Access in Data Transmission, Online Registration of Voters, Amendments to the Philippine Crop Insurance Corporation Charter, and Mandatory Establishment of Evacuation Centers in Every City, Province, Municipality/Permanent Evacuation Centers, at Local Government Income Classification.
Dagdag pa rito, ang iba pang mga prayoridad na panukala na nasa iba’t ibang antas na ng delibrasyon ay ang Government Procurement Act (TWG), Department of Resilience (committee level), at Livestock Development and Competitiveness Bill (committee level).
Ilan pang mga panukala — Revitalizing the Salt Industry, Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System, Bureau of Immigration Modernization, National Employment Action Plan, Amendment to the Anti-Agricultural Smuggling Act, at Infrastructure Development Plan/Build Build Build Program— ay isasama ng LEDAC at sumasailalim sa mga deliberasyon sa iba’t ibang Komite ng Kapulungan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home