Hangad ni House Minority Leader at 4PS party-list Representative Marcelino Libanan na maging matagumpay ang ikalawang pagbisita ngayon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Amerika.
Sa nabanggit na official visit ay nakatakda ding makipagpulong si Pangulong Marcos kay US President Joe Biden.
Ayon kay Libanan, tayong lahat ay umaasa na magbubunga ng dagdag na direktang pamumuhunan ang US trip ni PBBM.
Sabi ni Libanan, ito ay upang masuportahan ang tuloy-tuloy na pagbangon ng ating ekonomiya na magreresulta ng mas maraming trabaho na syang pangunahing inaalala ng mga Pilipino base sa mga survey.
Binanggit ni Libanan na sa ngayon, karamihan sa investments ng mga American multinational corporations sa Pilipinas ay nakatuon sa manufacturing, wholesale trade, gayundin sa professional, scientific, and technical services, kasama ang highly labor-intensive business process outsourcing o BPO activities.
Si Pangulong Marcos ay una ng bumisita sa Amerika noong Setyembre ng nakaraang taon ng sya ay dumalo sa United Nations General Assembly kung saan nagkaharap din sila ni President Biden.
######
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home