Thursday, May 04, 2023

PARUSA SA PAGPUPUSLIT NG BULTO-BULTONG SALAPI, INAPRUBAHAN NG KOMITE

Aprubado na sa Komite ng Kamara ang panukalang naglalayong parusahan ang pagpupuslit ng malaking halaga ng foreign currency at iba pang instrumento sa pananalapi na ipapasok o ilalabas ng Pilipinas. 


Sinabi ni Albay Rep at Committee on Eays and Means Chair Joey Salceda na ang panukala ay makakatulong sa pagpapagaan ng customs declaration para sa mga pasahero, kabilang ang mga Overseas Filipino Workers (OFW).


Nakasaad sa panukalang substitute bill ng komite na sinoman na magpapasok ng salapi galing ng ibang bansa na higit sa USD10,000, o katumbas na halaga na perang dayuhan ay maaaring humingi ng tulong sa isang Customs Officer sa pagsagot sa Currencies Declaration Form at Customs Baggage Declaration Form. 


Sa ilalim din ng panukala, ang mga indibidwal na mahuling may dala ng mga foreign currency sa halagang lampas sa USD200,000 o katumbas nito ay papatawan ng pito hanggang 14 na taong pagkabilanggo at multang katumbas ng doble ng halaga ng ipinuslit na pera. 


Papatawan din ng kaparusahan ang mga indibidwal na mahuhuling umiiwas na ihayag ang perang dala. 




Sang-ayon din ang mga mambabatas na magtatag ng isang inter-agency committee on anti-bulk cash smuggling, na bubuuin ng Bureau of Customs, Anti-Money Laundering Council, Bangko Sentral ng Pilipinas, Bureau of Immigration, at mga awtoridad sa paliparan ng bansa. Inaprubahan din ng Komite ang probisyon sa buwis ng substitute bill sa mga HBs 4462, 1300, 3216, 7335, at 7444, na magpapalakas sa pamamahala at pangangasiwa ng Philippine Science High School (PSHS) System. Ililibre ng panukalang batas ang SPSH System sa donor’s tax, gayundin sa buwis, at mga bayarin sa adwana para sa pag-aangkat ng mga kagamitang pang-agham at pananaliksik, para sa mga layunin ng edukasyon. Inaprubahan din ng Komite ang mga probisyon ng buwis na nasa walong panukalang batas na nagpapabago at nagpapalakas sa iba't ibang pampublikong unibersidad at kolehiyo sa bansa. Sa ilalim ng panukalang batas, ang pag-aangkat ng mga aklat o publikasyon para sa pang-ekonomiya, teknikal-bokasyonal, siyentipiko, pilosopikal, historikal, ligal, o kultural na mga layunin ay hindi papatawan sa mga tungkulin sa buwis at bayarin sa adwana. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home