Monday, May 01, 2023

KAWALAN NG PONDO SA LTO, HINDI DAHILAN NG PROBLEMA SA DRIVER’S LICENSE CARD

Sinabi ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na hindi ang kawalan ng pondo ang dahilan kaya may problema ang Land Transportation Office o LTO sa plastic na driver’s license cards.


Ayon kay Recto, ang suliraning kinakaharap ngayon ng LTO ay bunga ng kakulangan o kawalan ng mahusay na deskarte at sablay na pagpaplano.


Giit ni Recto, ang P249 million na pondo para sa 5.2 million plastic driver’s license cards na kailangang bilhin ng LTO ay katumbas lamang ng tatlong araw at kalahati na kita ng ahensya.


Binanggit ni Recto na umabot sa P26.68 billion ang kinita ng LTO noong nakaraang taon o pumapatak na  P73 million kada araw.


Ipinunto pa ni Recto, na isa ring kabalintunaan na may problema ngayon ang Pilipinas sa plastic para sa driver's license gayong ikatlo tayo sa buong mundo na pinagmumulan ng marine plastic pollution.


#####wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home