Friday, April 28, 2023

UMAASA SI SPEAKER ROMUALDEZ NA ANG BBM-BIDEN MEETING SA ESTADOS UNIDOS AY GANAP NA MARIRESULTA SA MALAKING DIBIDENDO PARA SA PILIPINAS

Nagpahayag si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Huwebes ng pag-asa sa darating na pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at US President Joe Biden, na ganap na magreresulta sa malaking dibidendo para sa Pilipinas, lalo na sa larangan ng seguridad at ekonomiya, na lilikha ng mga oportunidad sa pamuhunan at maraming trabaho para sa mga Pilipino.


Naglunsad si Speaker ng malawakang ugnayang diplomatiko, upang makatulong na mailatag ang mga kaganapan sa idaraos na pagbisita ni Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa mga Amerikanong mambabatas, upang talakayin ang mga pamamaraan upang mas lalong tumatag ang ugnayang depensa at ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.


Si Speaker ay kasalukuyang nasa Amerika pa rin matapos ang nauna na niyang pakikipagpulong sa kanyang  US counterpart na si Speaker Kevin McCarthy, at iba pang mga pangunahing mambabatas ng Amerika at mga opisyal ng pamahalaan, habang hinihintay ang pagdating ni Pangulong Marcos.





Bukod sa pakikipagpulong kay McCarthy, nakipag-usap rin si Speaker at ang delegasyon kay US House Majority Leader Steve Scalise, at mga Kinatawan na sina Representatives Young Kim, Mike Rogers, Darrell Issa, Ami Bera, at Chris Stewart. 


Isang opisyal ng US State Department ang nagpahayag na sa gagawing pagbisita, “President Biden will reaffirm the United States’ ironclad commitment to the defense of the Philippines, and the leaders will discuss efforts to strengthen the longstanding U.S.-Philippines alliance.”


Para kay Pangulong Marcos, sinabi niya na kanyang isusulong ang pagrepaso at pag-uuri sa mga naipangako sa ilalim ng 70-taong Mutual Defense Treaty sa pagitan ng dalawang bansa, at binigyang-diin na ang alyansa ay dapat na mag- “evolve” upang matugunan ang mga lumalagong katotohanan sa geopolitics, lalo na sa rehiyon ng Indo-Pacific. 


“Security and stability are indispensable ingredients for continued economic growth and prosperity. An improved iron-clad alliance between the two countries would greatly contribute to the realization of President Marcos’ vision for sustained economic growth that would provide jobs and livelihood for the Filipinos,” ayon pa kay Speaker Romualdez. 


Bilang bahagi ng kasunduang depensa sa pagitan ng dalawang bansa, ang Pilipinas ay nakakatanggap ng sapat na ayudang depensa mula sa US, sa larangan ng pagsasanay at mga kagamitang pang depensa.


Mula 2002 hanggang 2021, nakatanggap ang bansa ng tinatayang US$1.8-bilyon para sa modernisasyon ng depensa, seguridad sa karagatan, kontra-terorismo, anti-narcotics, anti-human trafficking, humanitarian assistance at pagtugon sa mga kalamidad, at kahandaan sa kemikal, biological, radiological, at nukleyar.


Bukod sa mga usaping seguridad, inaasahan rin na sina Marcos at Biden ay mag “review opportunities to deepen economic cooperation and promote inclusive prosperity, expand our nations’ special people-to-people ties, invest in the clean energy transition and the fight against climate change, and ensure respect for human rights.”


Binanggit ni Speaker Romualdez na ang Washington ay nananatiling mahalaga at strategic trading at investment partner ng Maynila. 


Noong 2021, ang US ang pangatlong pinakamalaking trading partner ng Pilipinas, pangunahing export market, at ikalimang major import source, kung saan ang Pilipinas ang ika-30 pangunahing trade partner ng US. 


Ang US din ang ikalimang pinakamalaking source ng foreign investments ng Pilipinas noong 2021, partikular na sa IT-BPM, electronics, real estate, konstruksyon, at transportasyon at storage sectors.


Si Romualdez at ang kanyang delegasyon sa US ay nakipag-ugnayan rin sa  kanilang mga US counterparts para isulong ang Pilipinas bilang isang magandang destinasyon sa pamuhunan para sa mga negosyo ng US, at binanggit ang positibong pananaw sa  ekonomiya ng bansa. 


"With our strong economy, we invited the US to increase and expand its investments,” ani Speaker Romualdez.  


Kamakailan lamang ay sinamahan ni Speaker ang economic team ni Pangulong Marcos upang tulungan na makahikayat ng mas maraming pamuhunan, sa idinaos na 2023 World Bank Group-International Monetary Fund (WBG-IMF) Spring Meetings.


"Now the congressional delegation of the House leadership is engaging their counterparts in the US Congress. We are working all out with our strong message to come to the Philippines and invest there," dagdag niya. 


Si Speaker Romualdez ay sinamahan sa kanyang mga pagpupulong sa mga mambabatas US nina House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio "Dong" Gonzales Jr. ng Pampanga 3rd District, Navotas City Rep. Tobias "Toby" Tiangco, Agusan del Norte 1st District Rep. Jose "Joboy" S. Aquino II, Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel "Babe" del Gallego Romualdez, House Secretary General Reginald "Reggie" Velasco, at House Sergeant-at-Arms PMGEN. Napoleon Taas.


“In addition to increased investments, our economy would profit from the expected assistance the US can provide us in combatting the effects of climate change. This would help in our efforts not only to improve food security but also in mitigating the effects of global warming,” punto ni Speaker Romualdez.


Sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang pulong sa mga pangunahing opisyal ng US ay tatalakayin rin ang “green bonds,” o financial instruments na may kaugnayan sa mga solusyon sa pagbabago ng klima at mga partikular na proyekto na tutulong para mabawasan ang carbon emissions. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home