Friday, April 28, 2023

PANUKALANG BAGUHIN ANG K-12 EDUCATION PROGRAM, ISINUSULONG SA KAMARA

Ipinanukala ni former President at ngayon ay House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagre-rebisa sa sistema ng K to 12 education program na baguhin ang mga alituntunin nito.


Sa HB07893 na inihain ng dating pangulo ng bansa, babaguhin ang kasalukuyang sistema ng K to 12 program sa pamamagitan ng pagpalit nito ng K + 10  + 2, na ang ibig sabihin ay Kindergarten plus anim (6)  na taon sa elementarya at apat (4) na taon sa secondary education at ito ay susundan naman ng dalawang taong post-secondary at pre-university years para lamang sa mga gustong mag-aral sa kolehiyo.


Ayon kay Senior Deputy Speaker Macapagal-Arroyo, dapat maibalik ang dating sistema sa edukasyon na nakagisnang 10 taon para makapagtapos ng secondary education at magdaragdag lamang ng 2 pang taon para naman sa tinatawag na post secondary at pre-university courses bilang paghahanda para sa kolehiyo. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home