Saturday, May 06, 2023

SPEAKER ROMUALDEZ, HINIMOK ANG DICT, NTC AT MGA TELCOS NA SIMPLEHAN ANG REHISTRASYON SA SIM, NANAWAGAN NG TULONG PARA SA MGA OFW AT KANILANG MGA PAMILYA


Nanawagan ngayong Biyernes si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para sa mas simple, mas magaan at mas mabilis na proseso sa pagpaparehistro ng mga subscriber identity modules (SIMs), para sa milyong hindi pa nakakaparehistro na mga lehitimong gumagamit ng mobile phones.


Kanyang sinabi na dapat na magtulungan para sa maayos na proseso ang Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC) at ang tatlong telecommunications companies (telcos) na nagbibigay ng serbisyo ng cellular phones.


“Let us help millions of Filipinos who have mobile phones, but who still have not registered their SIMs as required by law, to register. Let us make it easier for them to take advantage of the 90-day registration extension granted by President Ferdinand Marcos Jr.,” aniya.


Pinasalamatan ni Speaker ang Pangulo sa kanyang pasya na palawigin pa ang deadline ng rehistrasyon para sa milyong hindi pa nakakarehistro ng kanilang mobile phones.


“In particular, let us assist overseas Filipino workers and their families to register. Their mobile phones are their principal means of communicating and connecting to each other. The thought that they could instantly make audio-video calls eases the pain of being thousands of miles away from home and from their loved ones,” ayon pa sa kanya.


Nanawagan rin siya sa Department of Migrant Workers at sa Department of Foreign Affairs na tulungan ang DICT, NTC at mga telcos na abisuhan ang mga OFWs at kanilang mga pamilya sa mga rekisitos ng rehistrasyon.


“I suspect that OFW families in the provinces are finding it difficult to comply with the registration requirement. Some may even be unaware of it,” aniya.


Naniniwala si Speaker Romualdez na maraming OFWs at kanilang mga pamilya sa bansa ay gumagamit pa rin ng mga hindi nakalistang prepaid SIMs dahil madali lang itong mabili. 


Pinuri ng pinuno ng Kapulungan ang mga telcos sa pag-aalok ng tulong sa pagpaparehistro at mga mekanismo para sa kanilang mga gumagamit ng postpaid at prepaid SIM na magpalista.


Subalit nakiusap siya na, “to go the extra mile in seeking out people who have bought and used their SIMs and help them to register so they would be able to continue using their cellular phone service.” 


“That is to the benefit of the telcos, financially,” aniya.


Ayon sa mga ulat, hanggang ika-23 ng Abril, tatlong araw bago ang orihinal na ika-26 ng Abril na deadline para sa rehistrasyon, ay pinalawig ito ng Pangulo, umaabot na sa 82.8-milyon SIM owners ang nakapagparehisto.

 

Sa 82.8-milyon na nagparehistro, 39.9-milyon ang nagpalista sa Smart Communications, 37.09-milyon sa Globe Telecom at 5.79-milyon sa DITO Telecommunity Corp.


May mga ulat rin na ang tatlong telcos ay nagkapagbenta ng kabuuang 165 milyon hanggang 170 milyon na SIM cards.


Nanawagan si Speaker Romualdez sa mga telcos na isiwalat ang bilang ng kanilang mga postpaid mobile phone subscribers, at ang kabuuang bilang ng mga aktibo ngunit hindi nakalistang SIM na kanilang naibenta.


“Their combined data should give us, the public, an idea of how many SIMs, postpaid and prepaid, need to be registered,” dagdag niya.


Sinabi niya na dapat nang suriin ng mga telcos ang kanilang mga datos sa pamamagitan ng pagsasawalang-bisa ng mga hindi aktibong SIM. #

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home