Friday, June 23, 2023

PANGUNGUNA NG TACLOBAN COLLEGE SA PT LICENSURE EXAM SA BUONG BANSA, BINATI NI SPEAKER ROMUALDEZ


Binati ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Miyerkules ang Doña Remedios T. Romualdez Medical Foundation (DRTRMF) ngayong Miyerkules, na nakabase sa Tacloban, na kilala rin bilang Remedios T. Romualdez (RTR), sa kanilang katangi-tanging tagumpay na natamo matapos na manguna sa talaan ng mga paaralan sa buong bansa, sa pagsusulit sa Physical Therapists Licensure ngayong buwan. 


Sinabi rin ni Speaker Romualdez na lubos siyang nagagalak dahil nagbigay ito sa kanya ng “great pride” nang malaman niya na dalawa sa 10 top examinees sa naturang pagsusulit ay nagmula sa Tacloban school: sina Dodievic Arma, na panglimang puwesto, at Fatima Therese Doyon, na pang sampu.


“It gives me great pride whenever a school in my hometown achieves a remarkable feat in any event. And Doña Remedios T. Romualdez Medical Foundation or simply RTR as it is called in Tacloban, have made all Taclobanons proud by placing first nationwide in the PT board exams,” ayon kay Speaker Romualdez, habang binabati ang tagumpay ng RTR, lalo na ang college of physical therapy na pinamumunan ni Dean Jay Anthony Cañete.


“And it also gives me great pleasure to know that we have topnotchers in the city! This calls for a double celebration!” dagdag niya.


Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 708 sa 1,026 ang pumasa sa pagsusulit para sa physical therapists na idinaos ngayong Hunyo. 


Nagrehistro ang RTR ng 92.11% passing rate nang 35 sa 38 board takers ay pumasa sa pagsusulit, na nagtala sa kanila upang maging nangungunang paaralan sa buong bansa sa kategorya ng 30 o mas maraming examinees. 


Kapansin-pansin na nagtala ito ng 100% na antas ng pumasa para sa mga unang kumuha ng pagsusulit.


“I congratulate the officials, faculty, employees and students of RTR for this wonderful achievement! It really goes to show the top-notch caliber of education in your institution. Keep up the good work of training excellence for years to come!” ani Speaker Romualdez.


Itinatag ang RTR noong 1980 sa pamamagitan ng inisyatiba ng ama ng mga Romualdez, si dating Leyte Governor Benjamin Romualdez, at ipinangalan ito sa kanyang ina na si Remedios T. Romualdez. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home