Friday, July 21, 2023

Maharlika Fund dagdag na pagkukunan ng pondo ng hindi nagtataas ng buwis, nangungutang—Speaker Romualdez



Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Maharlika Investment Fund (MIF) Act na dagdag umano sa maaaring pagkunan ng pondo para sa mga itatayong imprastraktura nang hindi kakailanganing magtaas ng buwis o mangutang.


Sinaksihan ni Speaker Romualdez, isa sa pangunahing may-akda ng MIF sa Kamara, ang paglagda ng Pangulo sa bagong batas sa Malacañang.


“As an additional vehicle for financing, the MIF is expected to widen the fiscal space in the near- to medium-term as it reduces heavy reliance on local funds and development assistance as the main financing mechanisms for infrastructure projects,” ani Speaker Romualdez. 


“It is envisioned to enable the government to execute and sustain high-impact and long-term economic development programs and projects without imposing new or higher taxes,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Ipinaliwanag ng lider ng Kamara na ang pagkakaroon ng alternatibong mapagkukuhanan ng pondo ay nangangahulugan na mas maraming mailalaang pondo para sa social services gaya ng pang-edukasyon at pangkalusugan.


“The MIF is not only beneficial but necessary at this point in time. While the Philippines can offer investment opportunities, given that we are still a growing economy, we see that the cost of debt has risen, making the need to explore other vehicles to attract equity financing such as Maharlika Investment Corp. (MIC)/MIF urgent,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

“The MIC/MIF is an investment for the future that we need to start building now. It is an ideal vehicle that is well-positioned to bring in investments as the Philippine economic outlook remains robust amid the global economic slowdown,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


Ayon kay Speaker Romualdez ang mga international investor gaya ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) at ilang kompanyang nakabase sa Amerika ay nagpahayag na ng interes sa MIF.


“Certainly, there will be more interest once the MIF is officially launched. These investments mean more development projects in various parts of the country, more jobs and livelihood for the Filipinos, and a better future for generations to come,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


Kumpiyansa si Speaker Romualdez na ang MIF law ay magiging isa sa landmark legislation ng 19th Congress.


“The Fund intends to allow for profitable investment development projects while also ensuring that there is flexibility in the market activities of the MIC/MIF,” sabi pa ni Speaker Romualdez na kumakatawan sa unang distrito ng Leyte.


##wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home