Friday, July 21, 2023

MGA MAAARI PANG MANGYARI SA SONA 2023, PINAGHANDAAN NG KAPULUNGAN


Handang handa na ang Kapulungan ng mga Kinatawan at pinaghandaan rin ang mga maaari pang mangyari sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, ika-24 ng Hulyo 2023, upang tiyakin ang kaligtasan ng mga dadalo sa anumang kagipitan na maaaring mangyari sa okasyon. 


Ayon kay House Engineering and Physical Facilities Department (EPFD) Executive Director (ED) Engr. Renato Dela Torre, ang evacuation plan ng Kapulungan ang isa sa mga nangungunang paghahanda para sa SONA 2023. 


Ang evacuation plan ay kinabibilangan mga emergency scenarios, tulad ng lindol, sunog, at maging terorismo. Binigyang-diin ni ED Dela Torre na isang mahigpit na koordinasyon sa Legislative Security Bureau (LSB) ang kanilang itinatag, upang epektibong mapangasiwaan ang ang iba’t ibang senaryo sa kagipitan, dahil ang LSB ang siyang responsable sa pagpapatupad ng evacuation plan. 


Sa ilalim ng plano, ang mga kawani ng iba’t ibang departamento ay itinalaga sa kanilang mga tungkulin para epektibong maipatupad ang evacuation. 


“Public awareness regarding safety measures is taken seriously,” aniya. 


Sa pinal na pulong ng iba’t ibang mga ahensya na isinagawa noong ika-17 ng Hulyo 2023, Tinukoy ni Deputy Secretary-General  (DSG) Atty. Grace Andres na ang HRep Evacuation Plan ang isa sa walong (8) collaterals na kabilang sa mga ipinamahaging SONA 2023 invitations sa mga panauhin. 


Sinabi ni ED Dela Torre na ang paghahanda ng EPFD sa SONA 2023 ay isinagawa ilang buwan na ang nakakaraan, sa Bulwagan ng Kapulungan, mga kalsada sa loob ng Batasan Complex, bakuran at mga gusali, sound system at electrical works. 


Idinagdag niya na layon ng EPFD  na makipagtulungan sa House Media Affairs and Public Relations Service (MAPRS) para makalikha ng isang video presentation para sa mga emergency procedures. 


Sa tuwing suspensyon ng sesyon ay ipalalabas sa mga Plenary Hall screens ang naturang video para sa kamalayan, kaalaman, at impormasyon ng mga panauhing dadalo sa SONA. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home