Monday, July 24, 2023

MAMUMUHUNAN SA MAHARLIKA MULA SA MALAYSIA, MALUGOD NA TINANGGAP NI SPEAKER ROMUALDEZ

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na malugod na tatanggapin ng Pilipinas ang mga negosyante mula sa Malaysia, para mamuhunan sa Maharlika Investment Fund (MIF), ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.


Kinumpirma ni Speaker Romualdez, lider ng 312-miyembro ng Kamara, na magiging bahagi siya ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Malaysia, sa pagbisita ng Pangulo na nakatakda mula ika-25 hanggang 27 ng Hulyo.


Nang matanong ng mga mamahayag sa isang pulong balitaan kung ang kapapasang batas na MIF ay magiging paksa na tatalakayin sa tatlong araw na opisyal na pagbisita, kabilang ang usaping pamumuhunan sa MIF ng mga negosyante mula sa Malaysia, tumugon si Speaker Romualdez na: "Very much so, we'll be very much open to that."


Dito ipinaliwanag ng pinuno ng Kamara kung bakit kailangang piliin ng mga dayuhang mamumuhunan ang Pilipinas at ang kanilang MIF.





Kung saan nakaupo si Speaker Romualdez, sinabi niya na ang MIF ay, “not only beneficial but necessary,” sa kabila ng katunayang ang bansa ngayon ay isa nang “growing economy,” na nangangailangan na umakit ng mga dayuhang mamumuhunan para sa layuning pasiglahin at palakasin ang pagbawi sa lokal na ekonomiya.


"Isipin mo na lang ‘to, kung mayroon kang kapital, ‘yung isang bansang may kapital, saan mo dadalhin? Eh ‘di siyempre dadalhin mo sa isang bansa kung saan mataas ‘yung growth, ‘di ba?” ayon kay Speaker Romualdez, na isa sa nangungunang pinuno ng administrasyon at Pangulo ng nangungunang Partido Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), at ipinagmamalaki ang paglago ng ekonomiya sa ilalim ng administrayong Marcos.


“While the Philippines can also offer investment opportunities, we see that the cost of debt has risen, making the need to explore other vehicles to attract equity financing such as Maharlika Investment Corporation,” ani Speaker Romualdez, Pangulo ng Philippine Constitution Association (Philconsa), o pinakaunang samahan ng mga legal luminaries sa bansa.


“This will be a very, very important vehicle to attract more resources and investments into the country, to supplement our resources that is provided for in the national budget for developmental initiatives, infrastructure, in the power and agriculture sectors,” dagdag niya.


Labis ang kasabikan ni Speaker na sa ganito pa lang kaaga, ay umaasa siya sa magiging matagumpay ng MIF bilang behikulo sa pinansya, at binanggit ang isang halimbawa ng kanilang isinagawang pagbisita sa Tokyo, habang nakabakasyon ang Kongreso, kung saan ay maraming pinuno ng mga negosyante at investment houses ang nagpahayag ng interes sa Maharlika.


Isang institusyon na binanggit niya ang Japan Bank for International Cooperation (JBIC).


“We also heard from those in the Middle East, they are also interested. This is on top of those who followed it up with no less than the President (Marcos), during and shortly after we had the US visit. They were asking if this had been signed into law,” dagdag pa niya.


Ipinahayag rin ni Romualdez na ang mga opisyal ng Estados Unidos ay “congratulated” si Pangulong Marcos sa bagong batas.


“I think Maharlika is starting with a more substantial seed capital and there’s already various commitments, I think it will be much larger than that,” ani Speaker, habang ikinukumpara ang paunang kapital ng Indonesia na US $1 bilyon, ngunit kalaunan ay lubos itong lumaki.


“I think it (Jakarta-based investment fund) rose to US $230 billion in less than two years or so,” he narrated. “Before President Marcos steps down, I think we will be so happy that we did this. We will just be remorseful why we did it only now.”


“We can now derive more direct foreign investments or investment into the country that will provide us with additional resources to implement our budget so that we can have more developmental projects in fields like in agriculture in infrastructure, power,” giit niya.


“These investments mean more development projects in various parts of the country, more jobs and livelihood for the Filipinos, and a better future for generations to come,” pananaw ni Romualdez.


"So the Philippines becomes a very, very attractive economy to invest into. That's why we're very, very optimistic and excited. Kaya ang daming nagtatanong," ani Speaker Romualdez.


Binanggit ni Speaker Romualdez na inaasahan ng Asian Development Bank (ADB) na ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay lalago sa 6.0 porsyento ngayong taon, ang pinakamataas sa mga bansa na nasa Timog Silangang Asya.


Para sa 2024, nakikita ng ADB na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa 6.2 porsyento. Samantala, Inaasahan ng ADB na lalago ang ekonomiya ng Indonesia sa 4.8 porsyento ngayong taon, Malaysia sa 4.7 porsyento, Singapore sa 1.5 porsyeno, Thailand sa 3.5 porsyento, at Vietnam sa 5.8 porsyento.


“This steadfast pace of recovery from the effects of the Covid-19 crisis across the region is a clear indicator that the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr. has charted the right course and we are steadily sailing towards a brighter future for all Filipinos,” Speaker Romualdez said.


Binanggit niya na ang ADB projection ay nasa wastong antas ng ating mga tagapamahala ng ekonomiya sa 6.0 hanggang 7.0 porsyentong inaasahang paglago para sa 2023, at 6.5 hanggang 8.0 porsyento para sa 2024 hanggang 2028, habang kinokonsidera ang lokal at panlabas na mga panganib.


Lilipad patungong Malaysia si Pangulong Marcos, isang araw matapos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).


Noon lamang Marso ay opisyal na bumisita ng dalawang araw sa Pilipinas si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.


"Yung gustong-gusto talaga ni Prime Minister Anwar, magkakaroon ng mga improvement and increase of trade relations beyond of course the other agenda there," aniya. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home