KAMARA, HINDI PA RIN UMASA SA PERSONAL NA PAGPAPAKITA NI REP. ARNIE TEVES
Hindi pa rin nagparamdam si Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr. kung magpapakita na sa Kamara at personal na ipaliwanag ang kanyang panig.
Sa muling pagpupulong ng Committee on Ethics para talakayin ang sitwasyon ni Teves, ipinahayag ito ni Congressman Felimon Espares, ang chairman ng naturang committee.
Sinabi ni Espares na
may hanggang July 30 pa naman si Teves para magpakita sa Kamara para harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Sa Linggo magtatapos ang 60-day suspension na ipinataw ng Kamara laban kay Teves.
Matatandaang pinayagan ng Kamara ang medical trip ni Teves mula February 28 hanggang March 9 pero hindi pa ito nagrereport sa Kamara simula noon dahil sa umanoy banta sa kanyang buhay.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home