Halos na dumoble ang pondo ng Department of Transportation para sa susunod na taon.
Ito ay ayon mismo kay Budget Sec. Amenah Pangandaman kasabay ng pagsusumite ng 2024 National Expenditure program sa Kamara.
Aniya, isa sa may pinakamataas na budget increase para sa susunod na taon ay ang DOTr.
Mula sa P106 Billion ngayong 2023, umakyat ito sa P214.3 billion sa ilalim ng panukalang 2024 budget.
Tinukoy din ni Pangandaman na may 6% na pagtaas sa pondo ng Department of Agriculture.
Sa ilalim ng kasalukuyang 2023 General Appropriations Act, mayroong P173.6 billion budget ang DA.
Itinaas naman aniya nila ito sa 2024 NEP sa P181.4 billion
“Ang first major increase in our budget is under the Department of Transportation. We have almost doubled the budgt of DOTr. The second is, of course, because mataas po ang increase ng Department of Agriculture this year, 30% po yung naging increase niya this year, so for next year we increased it again to another 6%. From 173.6 billion ay tumaas ito sa 181.4 billion sa susunod na taon” paglalahad ni Pangandaman.
Isa rin aniya sa mga ahensya na may budget increase ay ang Department of Social Housing and Urban Development.
Bunsod naman aniya ito ng paglalaan ng P9 billion na pondo para sa pagpapatupad ng Pambansang Pabahay Program ng pamahalaan.
“There has been a big increase under the DHSUD para po doon po sa programa nila na pabahay. We have 9 billion pesos in the national expenditure program.” sabi pa ng kalihim
Sa kabuuan, 9.5% na mas mataas ang panukalang 2024 budget kaysa sa kasalukuyang 2023 GAA.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home