PAGPAPALAKAS NG PROGRAMANG K-12, TINALAKAY NG KOMITE
Sa isang pagpupulong ng Technical Working Group (TWG), tinalakay kahapon (ngayong Lunes) ng Committee on Basic Education and Culture sa Kamara, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang substitute bill na naglalayong palakasin ang umiiral na pangunahing programa sa edukasyon na K-12.
Ito ay ng HB07893 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 10533 o ang "Enhanced Basic Education Act of 2013," na iniakda ni dating Pangulo at ngayon ay Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa explanatory note nito , sinabi na ang layon ng substitute bill ay papalitan ang kasalukuyang K-12 na Programa ng K+10+2 na programa, na sasaklaw sa Kindergarten, 10 taon ng pangunahing edukasyon (kabilang ang sekondaryang edukasyon) at karagdagang dalawang post-secondary o edukasyon bago mag kolehiyo.
Sumang-ayon ang Komite na ibalik ang panukala sa pangunahing Komite sa halip na talakayin sa isang TWG, para sa karagdagang mga talakayan at posibleng mga susog.
Kinuwestyon din ng Komite habang nasa pagpupulong, ang bisa ng Senior High School sa ilalim ng K-12 Program hinggil sa mga tuntunin ng kahandaan sa trabaho at kahandaan sa kolehiyo ng mga mag-aaral.
“Eighty percent of our cohorts in 2018 graduates went to higher education, and then 10 percent of them got employed, and then the remaining percent Mr. Chair are not in education, employment and training,” ipinabatid ni Department of Education (DepEd) Director Samuel Soliven III.
Iginiit ni Rep. Romulo na ang mga pag-aaral at datos na ito ay mahalaga sa pagtukoy ng naaangkop na mga susog sa lehislatibo.
Gayundin, iminungkahi ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo sa Komite ang pagpapalakas ng mga salita sa substitute bill upang matiyak na ang mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay maisama sa panukalang batas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home