KALIHIM NG DPWH, IPINANUKALANG GAWING VICE CHAIRPERSON NG NDRRMC
Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang gawing “vice chairperson” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang kalihim ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Ito ang House Bill 8350 nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, House Committee on Appropriations chairman Elizaldy Co at iba pang kongresista, na layong amyendahan ang Republic Act No.10121, o ang “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.”
Kapag naging ganap na batas ang panukala, ang kalihim ng DPWH ay magsisilbing "NDRRMC vice chairperson for infrastructure rehabilitation and repair."
Ipinunto sa panukala na importante na mapalakas ang NDRRMC sa pamamagitan ng pagdaragdag ng vice chairman, sa katauhan ng DPWH secretary.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, aton pa bill, na tuwing may kalamidad ay nagkakaroon ng pinsala sa iba’t ibang imprastraktura at mga proyekto ng gobyerno at iba pa, na kailangan ng agarang pagsasaayos at rehabilitasyon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mas mabilis na pagbangon.
Sa kasalukuyan, ang NDRRMC ay pinamumunuan ng kalihim ng Department of National Defense o DND.
Habang vice chairmen ay mga kalihim ng:
- Department of the Interior and Local Government (DILG) – vice chair for disaster preparedness
- Department of Social Welfare and Development (DSWD) – vice chair for disaster response
- Department of Science and Technology (DOST) – vice chair for disaster prevention and mitigation
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home