Thursday, August 03, 2023

NATITIRANG PRAYORIDAD NA PANUKALA NG LEDAC, NAUMPISAHAN NANG MAIPASA NG KAMARA

Ipinahayag kahapon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nasa wastong landas ang Kamara, upang tuparin ang kanilang pangako na ipasa ng natitirang siyam sa 44 na mahahalagang panukala na tinukoy ng Legislative-Executive Advisory Council.


Ito ay matapos na aprubahan ng Kapulungan, nitong nakaraang Miyerkules ng gabi ang mga HB08456 at HB08443, na naalis na sa siyam na prayoridad na panukala ng LEDAC, dalawang linggo pa lamang simula nang magbukas ang ikalawang Regular na Sesyon ng ika-19 na Kongreso.


(“The approval of these twin measures manifests our firm commitment to the passage of the remaining LEDAC priority measures in line with the Agenda for Prosperity of President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” ayon kay Romualdez.)


Inaprubahan ang HB08456 o ang panukalang Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act, na naglalayong itatag ang Philippine Downstream Natural Gas Industry (PDNGI), upang isulong ang papel ng natural gas bilang isang “safe, environment-friendly, efficient, and cost-effective source of energy.”


“Makakatulong ito sa ating layunin na pangalagaan ang kapaligiran, upang maibsan ang masamang epekto ng climate change at masigurong mayroong sapat na supply at mas abot-kayang presyo ng koryente para sa ating mga mamamayan,” punto ni Romualdez. 


Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa pagpapalawig ng industriya ng natural gas para pag-ibaibahin ang energy mix ng bansa at tugunan ang lumalagong pangangailangan sa enerhiya, na magbibigay ng panahon sa bansa na makapagpaunlad ng mas maraming renewable energy sources.


Layon ng HB08456 na magtakda ng mga alituntunin at isulong ang pagpapalit ng mga umiiral na kagamitan at mga pasilidad mula sa paggamit ng uling tungo sa natural gas.


Iminamandato ng panukala sa Department of Energy ang pangangasiwa at pagmomonitor sa kaunlaran ng PDNGI, gayundin ang regulasyon sa konstruksyon at operasyon ng mga natural gas pipelines, at mga may kaugnayang pasilidad para sa transmisyon, distribusyon, at suplay ng natural gas.





Sa kabilang dako, nagkakaisang inaprubahan ng Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa, sa pabor na botong 215, ang HB No. 8443, na naglalayong itatag ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS).


Batay sa plano, ang PENCAS ay isang balangkas na magbibigay halaga sa natural capital ng bansa at ang epekto nito sa ekonomiya.


Nananawagan ito ng pagtatatag ng isang sistema para sa koleksyon, compilation, at pagpapaunlad ng natural capital accounts sa pamahalaan, bilang gamit sa pagpaplano sa kaunlaran at pagpoprograma, policy analysis, at decision-making.


Sa ilalim ng panukala, magkakatuwang na magtatrabaho para sa pagpapatupad ng panukalang batas ang Philippine Statistics Authority (PSA), Interagency Committee on Environment and Natural Resources Statistics (IACENRS), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at ang National Economic and Development Authority (NEDA).


Sa kagyat na pagpasa ng mga HB 8456 at HB 8443, sinabi ni Romualdez na ang Kapulungan ay may sapat pang panahon para ipasa ang natitirang pitong prayoridad na panukala ng LEDAC, at ito ay ang:  National Employment Action Plan, Department of Water Services and Resources, amyenda sa Electric Power Industry Act, Anti-Agricultural Smuggling Act, Budget Modernization, National Defense Act, at Unified System of Separation, Retirement and Pension for Uniformed Personnel. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home