Friday, August 18, 2023

Hindi na umano masingil ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang P2.2 bilyong koleksyon sa isang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) licensee na nagsara noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.


Sa deliberasyon ngayong Lunes, tinanong ni House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan si PAGCOR chief Alejandro Tengco kaugnay ng P2.2 bilyong hindi nito nakolekta, batay sa ulat na inilabas ng Commission on Audit (COA).


“The said amount during the past administration was not collected. This was a P2.2 billion receivables from a POGO that was licensee during the last administration. And during the pandemic, nawala na lang po parang bula iyong POGO, it closed shop, and ran away,” sabi ni Tengco.


Sa exit conference noong nakaraang buwan, sinabi ni Tengco na hiniling nito sa Commission on Audit na burahin na ang naturang receivables.


“I had manifested to the supervisor of COA in PAGCOR that there is no way we can collect that said P2.2 billion anymore,” sabi ni Tengco.


Hindi na umano mahanap ang mga opisyal ng naturang licensee na pawang mga dayuhan at wala na sa Pilipinas.


“Wala na po talagang magagawa dahil hindi na po mahahabol,” Tengco.


Nakapag-operate umano ang naturang licensee ng walong buwan, ayon sa PAGCOR chief.


Sinabi ni Tengco na lahat ng overseas gaming licensee ay inilagay ng PAGCOR sa probationary status simula noong Agosto 1 at kailangang mag-reapply ng mga ito hanggang Setyembre 15.


“We are really trying our best to be able to make sure that all our licensees would follow all the rules and regulations na meron po ang PAGCOR. Kung inyo rin pong nabalitaan,….. sunod-sunod na rin po ang raid namin sa mga illegal operators,” dagdag pa ni Tengco.


Ngayon taon ay sinuspendi umano ng PAGCOR ang lisensya ng anim na operator at kinansela ang limang iba pa dahil sa mga paglabag. (Billy Begas) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home