Friday, August 25, 2023

PANUKALA NA ISINASAMA ANG EDUKASYON PARA SA MGA MATATANDA SA 4Ps, PASADO SA KAPULUNGAN


Sa malakas na nagkakaisang pabor na botong 236 sa plenaryo, inaprubahan ng Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 8497, o ang panukala na nagsusulong ng inklusibong edukasyon, pagiging negtosyante, at pagtatrabaho para sa pagpapatuloy ng kaunlaran ng mga matatandang benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.


Ang panukala na ipinasa ngayong Martes, ay nag-aamyenda sa Republic Act (RA) No. 11310, o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act.


“4Ps is the national government's flagship poverty reduction initiative. The bill amends Section 2 of RA No.11310 so that the law may promote education among adult male beneficiaries through alternative learning system, entrepreneurship training, and employment training to achieve sustainable development," ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.


Sinabi ni Speaker Romualdez na isinasaad sa panukala ang community mobilization grant, na tumutukoy sa conditional cash transfer na siyang ginagamit upang pondohan ang pagkain at transportasyon, kaugnay para mapakinabangan ang edukasyon sa mga matatanda, "must not be lower than P500 per instance per adult beneficiary of the adult education program".


Ilan sa mga pangunahing may-akda ay sina Reps. Wilbert Lee, Gus Tambunting, Eleanor Bulut-Begtang, Linabelle Ruth Villarica, Mikee Romero, Luz Mercado, Samuel Verzosa Jr., Jose Maria Zubiri Jr., Anna York Bondoc, Irene Gay Saulog, Edsel Galeos, Dante Garcia, Munir Arbison Jr., Sittie Aminah, Rosanna Vergara, JC Abalos, Joseph Stephen Paduano, Arlene Brosas, at Manuel Jose Dalipe.


Ang batas ng 4Ps ay kasalukuyang namamahagi ng conditional cash transfer grants na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na P300 kada buwan sa bawat bata sa loob ng 10 buwan kada taon, sa mga batang naka enroll sa mga programang daycare at elementarya, humigit-kumulang na P500 kada buwan sa bawat bata hanggang 10 buwan kada taon, para sa mga batang naka enroll sa junior high school, at humigit-kumulang na P700 kada buwan sa bawat bata hanggang 10 buwan kada taon para sa senior high school.


Ang inaprubahang panukala ay nagdedetalye rin ng mungkahing edukasyon sa mga matatanda sa batas ng 4Ps, na isinasaad na "at least one adult beneficiary must join and complete" ang anumang hakbangin sa edukasyon sa matatanda: 1) Non-formal education sa pamamgitan ng ALS track ng Department of Education (DepEd). Ang ALS ay tumutukoy sa parallel learning system na nagbabahagi ng alternatibo sa umiiral na formal education instruction, at sumasaklaw sa parehong non-formal at informal sources ng kaalaman at kakayahan; 2) Entrepreneurship track ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay tumutukoy sa mga interbensyon na nakatuon sa pagtatatag ng micro enterprise sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga kakayahan, paglalaan ng pinansyal na kapital at pagtatayo o muling pagtatayo ng pisikal at natural pag-aari, at sumasaklaw sa pagpapaunlad ng produkto, pagmemerkado, at basic business finance; o 3) Employment

track ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), o ang kanilang akreditadong pribadong sektor at civil society organizations.


Tumutukoy ito sa mga programa kung saan ang mga nag-aaral at mga manggagawa ay binibigyan ng oportunidad sa pag-aaral na makakuha, makapag upgrade, o pareho, ng kanilang abilidad, kaalaman, at nakagawiang kaugalian na rekisitos bilang mga kwalipikasyon para sa trabaho o mga trabaho sa isang lugar.


"The availment of adult education shall commence on the second year of enrollment in the 4Ps," ayon pa rito.


Ayon sa panukala, ang edukasyon sa matatanda ay tumutukoy sa mga intervensyon na magpapaunlad sa teknikal o kwalipikasyong propesyunal, paunlarin ang mga abilidad, kumuha o pagyamanin ang kaalaman, kakayahan, at kasanayan sa bagong larangan sa pamamagitan ng alternatibong learning system track, entrepreneurship track o employment track.


Ibinabahgi rin sa panukala ang natapos na pagsasanay matapos na makumpleto ng mga benepisaryo ang kanilang piniling adult education track.


Sinasabi rin dito na ang mga benepisaryo sa matandang edukasyon na matagumpay na nakakumpleto ng entrepreneurship track ay makakatanggap ng ayuda mula sa DTI, upang matiyak ang kagaanan ng pagtatatag ng micro o small business enterprise, at ugnayan sa mga target na kliyente ng mga negosyanteng 4Ps.


Samantala, ang mga benepisaryo sa matandang edukasyon na matagumpay na nakakumpleto ng employment track ay gagawaran ng job facilitation assistance ng Department of Labor and Employment (DoLE).


At panghuli, ang mga benepisaryo sa matandang edukasyon na matagumpay na nakakumpleto ng non-formal education gamit ang ALS track ng DepEd hanggang sa matapos nila ang senior high school ay gagawaran ng ayuda upang matiyak ang kanilang paghahangad ng mas mataas na edukasyon o trabaho. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home