ABOT KAYANG HALAGA NG KARNE NG MANOK AT ITLOG DAHIL SA INISYATIBA NI PBBM NA MAKAKUHA NG AVIAN FLU VACCINE, NAKIKITA NI SPEAKER
Pinuri ngayong araw ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mabilis na makakuha ng avian flu vaccines na makakatulong sa industriya ng manukan sa bansa, at matiyak ang abot kayang halaga ng pagkain sa hapag kainan ng bawat Pilipino.
Ito ay matapos na si Pangulong Marcos, kasalukuyang pinuno ng Kagawaran ng Agrikultura (DA), ay makipagpulong sa pangunahing Indonesian animal health firm PT Vaksindo Satwa Nusantara, Martes ng gabi.
Intensyon ng Vaksindo na makipagtulungan sa kanilang lokal na partner, Unahco Inc. (Univet Nutrition and Animal Healthcare Company) Philippines, sa veterinary vaccines at planong mamuhunan ng aabot sa US$2 milyon ngayong taon. Gayundin, magdadala sila ng avian flu vaccine sa Pilipinas.
“The early delivery of Vaksindo vaccines could spur the revitalization of our country’s poultry industry which has faced serious challenges due to the continuing threat of the avian flu,” ayon kay Romualdez.
Bukod pa rito, binanggit niya na ang mga nagpoprodyus ng itlog kamakailan ay kinumpirma na 20 porsyento ang ibinaba ng kanilang produksyon dahil sa pagpili ng aabot sa 10 milyon na chicken layers dulot ng epekto ng avian flu, na naunang naiulat sa bansa noong 2017.
At ang resulta, ay tumaas ang halaga ng medium-sized na itlog ngayong taon na nag-aaberahe sa mga merkado sa Kalakhang Maynila mula ₱6.90 hanggang to ₱8.70. sa ilang palengke, at sa halagang hanggang ₱10 para sa regular-size na itlog.
Sa kabilang dako, ang halaga ng buong manok sa Kalakhang Maynila ay nasa P150 hanggang P200 ngayong Hunyo ng kasalukuyang taon, na ilan sa dahilan ay sanhi ng banta ng avian flu.
“The President is keenly aware of the plight of the poultry industry sector and the engagement with Vaksindo is a positive step towards addressing the problem of avian flu that continues to beset this sector,” ani Romualdez.
“Making avian flu vaccines available to our poultry sector, along with the adoption of best practices, would help ensure we could sustain the encouraging signs of recovery of the industry,” dagdag niya.
Sinabi niya na ito ang dahilan kung bakit ang pakikipagpulong niya sa mga opisyal ng Vaksindo ay isa sa mga nangungunang prayoridad ng Pangulo bilang bahagi ng kanyang byahe sa Indonesia, upang dumalo sa 43rd ASEAN Summit and Related Summits sa Jakarta.
Umaasa si Speaker sa pagsasabatas ng panukala na magtatatg ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines, na inisip na tututok sa applied research at pag-aaral upang makapag-paunlad ng mga diagnostic kits at bakuna hindi lamang para sa mga tao, kungdi pati na rin sa mga sakit ng mga hayop at mga halaman.
Noong Disyembre 2022, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ikatlo at huling pagbasa ang kanilang bersyon, o ang House Bill No. 6452. Ang Senado ay nakatakda ring magpasa ng kanilang counterpart bill.
Samantala, sinabi ni Romualdez na ang administrasyong Marcos ay dadalo rin sa mga katulad na hamon na kinakaharap ng industriya ng manukan, at binanggit na nauna nang iginiit ni Pangulong Marcos ang “urgent need” na palakasin ang mga industriya ng hayupan at manukan, para sa seguridad sa pagkain at pandaigdigang pakikipag kompetisyon.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Livestock and Aquaculture Philippines 2023 sa World Trade Center sa Lungsod ng Pasay noong Hulyo, nanindigan si Pangulong Marcos na tutugunan ang mga hamon na kinakaharap ng dalawang sektor at makikipag partner para sa kanilang kaunlaran.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home