Nangako ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na babayaran na ang utang sa mga ospital sa loob ng tatlong buwan.
Sa budget briefing ng Department of Health at attached agencies sa House Appropriations Committee, agad inalam ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang plano ng PhilHealth sa reklamo na maraming ospital ang hindi na tumatanggap ng indigent patients dahil sa paglobo ng utang ng ahensya.
Lumalabas kasi na may pera ang PhilHealth at patunay rito ang pagtaas sa 68.4 billion pesos na net income nitong Hulyo at mahigit 400 billion pesos na investible fund.
Sinabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma na sisikapin nilang kumpletuhin ang pagbabayad ng utang na aabot sa 27 billion pesos.
Labintatlong bilyong pisong payables aniya ang pinoproseso na ng PhilHealth.
Pagtitiyak ni Ledesma, bibilisan nila ang reconciliation sa mga pagamutan at gagamit ng Debit-Credit-Mechanism Formula sa pagbabayad ng pagkakautang.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home