Friday, September 29, 2023

Binigyang diin ni ABANG LINGKOD party-list Rep. Joseph Stephen Paduano ang kahalagahan na mapaglaanan ng sapat na pondo ang National Intelligence Coordinating Agency o NICA.


Sa plenary deliberations ng panukalang pondo ng ahensya, tinukoy ni Paduano na mula sa orihinal na 2.2 billion pesos na budget proposal ng ahensya, 1.4 billion pesos lang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management na mapasama sa 2024 national expenditure program.


Dahil aniya sa budget cut na ito, may apat na priority project na hindi mapopondohan para sa sususnod na taon –isa rito ang special project for the West Philippine Sea.


Mahalaga pa man din aniya ang programa na ito upang mabantayan ang external threats ngayon sa katubigan ng bansa.


Kaya naman hirit ni Paduano, imbes na bigyan ng confidential at intelligence fund ang mga ahensya na wala namang kinalaman ang mandato sa national security ay ilipat na lamang ang pondong ito sa NICA.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home