PANUKALA SA AGRI-SMUGGLING NA NAGPAPATAW NG HABAMBUHAY NA PAGKABILANGGO SA MGA HOARDERS AT SUMASABOTAHE SA MGA PANGUNAHING PRODUKTO, PASADO SA IKALAWANG PAGBASA
Nagkakaisang ipinasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa ikalawang pagbasa, ang panukala na inaasahang magiging “permanent deterrent” sa mga hoarders at mga nagmamanipula sa halaga ng mga pangunahing produkto, sa pamamagitan ng pagpapataw ng sentensyang habambuhay na pagkabilanggo bilang ganap na kaparusahan sa mga lumalabag.
Nilagyan ng Kapulungan, sa ilalim ng liderato ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ng ngipin ang inamyendahan at pinalawig na Anti-Agricultural Smuggling Law sa bansa, sa pamamagitan ng pagpapataw ng habambuhay na pagkabilanggo sa mga mapapatunayang lumalabag sa batas ng pagsabotahe sa ekonomiya.
“This is because we want to send a chilling effect on these cartels that have been operating for decades now. We really mean business this time. And our primary task here is to protect the welfare of the masses – provide them with the most affordable goods in the market,” aniya.
Tinutukoy sa bagong batas ang smuggling ng bigas at iba pang mga produktong pang-agrikultura bilang “economic sabotage.”
“President Marcos - as Chief Executive and secretary of agriculture – fully appreciates the adverse impact of the smuggling of rice and other staples on farmers, fisherfolk and on consumers. We share his concern for the affected sectors,” ayon kay Speaker.
Inendorso ng Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kapulungan, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, sa plenaryo ang pag-apruba ng panukalang agricultural economic sabotage law noong ika-20 ng Setyembre.
Noong nakaraang linggo, tiniyak ni Speaker Romualdez na ang panukala, na bahagi ng 20 panukala na itinala ng Legislative-Executive Development Advisory Council para ipasa ngayong Disyembre, ay ipapasa sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-recess ang Kongreso sa ika-30 ng Setyembre.
Sinabi ni Speaker Romualdez na kapag naisabatas, poprotektahan nito ang mga magsasaka at mga mangingisda mula sa mga smugglers, lalo na sa panahon ng pagmamanipula sa presyo at iligal na pag-iimbak ng mga produktong agrikultura.
“We have to shield them from these atrocious activities to encourage them to produce more rice and other staples so the country can attain food sufficiency,” ani Speaker Romualdez.
Sinabi niya na pakikinabangan ng publiko ang panukalang batas hinggil sa matatag na presyo, dahil panghihinaan ng loob ang mga gumagawa ng hoarding at nagmamanipula sa pesyo.
“We have to work on and pass this measure as expeditiously as we can,” dagdag niya. # wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home