Friday, September 29, 2023

PANUKALA NA NAGPAPALAKAS SA FISCAL MINING REGIME SA BANSA, PASADO NA SA KAPULUNGAN

Inaprubahan ngayong madaling araw ng Martes, sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagpapalakas ng fiscal regime para sa industriya ng lokal na pagmimina. 


Sa botong 272-4-1, ay ipinasa ng mga mambabatas sa sesyon sa plenaryo ang House Bill (HB) No. 8937. Ipinasa ito habang pansamantalang nakasuspindi ang debate sa plenaryo ng P5.768-trilyon General Appropriations Bill (GAB) para sa 2024. 


Sa ilalim ng panukala, apat na mga bagong seksyon ---151-A, 151-B, 151-C, at 51-D—ang nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 8424, na kilala rin bilang National Internal Revenue Code of 1997, na inamyendahan. 


"No less than the Chamber of Mines of the Philippines has expressed support for the measure as it went through the legislative process in the House. I agree with the chamber that the fiscal changes being introduced by this bill will help the country’s post-pandemic economic recovery," ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. 


Kapag naisabatas, ang panukalang aprubado ng Kapulungan ay magiging paksa ng mga malawakang operasyon sa metallic mining sa loob ng mga mineral reservations, sa halaga ng royalty na apat na porsyento ng gross output ng mga mineral, o produktong mineral na namimina o napoprodyus. 


Ipapataw ang margin-based royalty sa kita mula sa mga operasyon ng metallic mining sa mga malawakang operation sa pagmimina sa metal, sa labas ng mga mineral reservation. 


Samantala, ang halaga ng royalty na katumbas ng one-tenth ng one percent para sa small-scale metallic operations ay ipapatupad. 


Ang panukalang kautusan ay nagbibigay ng rekisitos sa mga small-scale miners na magparehistro sa Mines and Geosciences Bureau at sa Mining Board ng mga kinauukulang lokal na pamahalaan (LGU), at himukin sila na mag-organisa upang maging kooperatiba para maging kwapilikado na magawaran ng People’s Small-Scale Mining Contract. 


Bilang karagdagan sa mga buwis na ipinaiiral sa ilalim ng National Internal Revenue Code, malakihang kita sa buwis ang maipapatupad sa bawat taxable year sa kita mula sa mga metallic mining operations. 


"Through the bill, the mining industry proves itself as a key partner of the government in nation-building," ayon kay Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan. 


Nauna nang sinabi ni Chamber of Mines of the Philippines Executive Director Ronaldo Recidoro na ang HB No. 8937 ay magbibigay sa pamahalaan ng makatuwiran at mataas na buwis mula sa pagmimina, habang tinitiyak ang pakikipagkumpitensya, pagiging kaakit-akit, at pagpapatuloy ng industriya ng pagmimina sa bansa. 


Sa ilalim ng panukala, lahat ng mga metallic mining contractors ay magsusumite sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kopya ng inaprubahang kontrata sa pagmemerkado at mga kasunduan sa pagbebenta, kabilang ang mga isinumite sa Mines and Geosciences Bureau, sa lahat ng bentahan at pagluluwas ng mga minerals, produktong mineral at mga raw ores. 


"The Mines and Geosciences Bureau shall require metallic mining companies to submit a report for each shipment before leaving the loading ports. The report shall be shared with the Department of Finance (DOF) and the BIR," dagdag pa rito. 


Pahihintulutan nito ang BIR na suriin at tuusin ang lahat ng benta at iniluluwas na mga minerals, mga produktong mineral, at mga raw ores, kabilang ang mga termino at kundisyon sa lahat ng bentahan, at inaasahang bentahan para sa layunin ng pagbubuwis. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home