Tuesday, September 19, 2023

PANUKALANG MUP PENSION SYSTEM ACT, PASADO SA IKALAWANG PAGBASA

Sa gitna ng deliberasyon ng Kamara sa badyet sa plenaryo kahapon (ngayong Martes), inaprubahan ng mga mambabatas, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 8969, o ang panukalang “Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension System Act.” 


Layon ng panukala na tiyakin ang pagpapatuloy ng pensyon, at iba pang mga benepisyo ng MUP sa pamamagitan ng paglikha ng fiscal framework, na ganap na sumusuporta sa kanilang pangangailangang pondo. 


Itinataya ng HB 8969 ang mandatory retirement age ng MUP sa 57 taong gulang. 


Isinasaad rin sa panukala ang awtomatikong indexation ng pensyon at mga benepisyo sa survivorship para sa MUP, at sa kanilang mga kwalipikadong survivors sa pagsasaayos ng sweldo ng mga MUPs na nasa aktibong tungkulin, na nagtatangan ng parehong ranggo. 


Ang indexation ay sasailalim sa mga sumusunod: 1) maximum 50 percent indexation of pension and survivorship benefits to the increases in the base pay of active MUP; 2) a fixed three percent annual increase in the base pay of active MUP for 10 years; at 3) authorization to lower the adjustment in the pension and survivorship benefits under unmanageable public sector deficit. 


Sa ilalim ng panukala, lilikha rin ng dalawang magkahiwalay na trust funds: 1) Armed Forces of the Philippines Trust Fund at 2) Uniformed Personnel Trust Fund. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home