Friday, September 01, 2023

MGA PANUKALANG BATAS NA LAYONG MAS PADALIIN ANG PAG AKSES AT PAG UNAWA SA IMPORMASYON NG PAMAHALAAN, PINAGSAMA-SAMA 

  

Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Public Information sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni chairperson Rep. Jose "Joboy" Aquino II (1st District, Agusan del Norte) na pagsama-samahin ang tatlong panukala na naghahangad na mas padaliin na ma-akses at maunawaan ng publiko ang impormasyon ng pamahalaan. 


Ayon kay Chairman Aquino, layunin ng mga House Bills 4902, 5418 at 5465 ang “the use of clear and concise manner of writing in government documents issued to the public recognizing the importance of promoting transparency and enhancing citizens’ access to government information and services.” 


Pinasalamatan niya ang mga mambabatas na bumuo ng mga panukalang batas, at ang mga resource persons na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman na nakatulong sa deliberasyon. Ang mga HBs 4902, 5418 at 5465 ay inihain nina Rep. Gus Tambunting (2nd District, Paranaque City), Rep.Patrick Michael Vargas (5th District, Quezon City), at Rep. Ernesto "Ernix" Dionisio Jr. (1st District, Manila), ayon sa pagkakasunod. 


Aniya, ang pagsasabatas ng mga pinagsamang panukala ay magreresulta sa marunong na mamamayan na may kakayahang gumawa ng matalinong pagpapasya para sa kanilang sarili at sa bansa. Ayon kay Deputy Director General for Knowledge and Quality Management Eileen Cruz David ng Philippine Information Agency (PIA), maaaring kailanganin na isama ang Commission on Higher Education (CHEd) at iba pang higher educational Institutions (HEIs) sa paggawa ng implementing rules and regulations (IRR), na nagbibigay-diin sa pakikilahok ng HEIs “will ensure inclusivity of all major languages in the country if gagamitin po talaga natin ang plain language.” 


Dapat din aniya na isama ang DILG sa paggawa ng IRR, dahil pinangangasiwaan nito ang operasyon ng mga LGUs hanggang sa antas ng barangay sa buong bansa. 


Ayon kay Assistant Secretary General Evangeline de Leon ng Presidential Communications Office (PCO), handa ang PCO na tumulong sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa mga pambansang batas at lokal na ordinansa, at iba pang mga usapin, ngunit hinggil sa aktwal na paggamit ng simpleng wika, maaaring hindi ang PCO ang tiyak na ahensya na tutugon sa pagsasalin ng wika dahil ang nasabing ahensya ay walang mga translators. 


Inaprubahan din ng Komite ang paglikha ng technical working group (TWG), na pamumunuan ni Rep. Dale Corvera (2nd District, Agusan del Norte), upang mas mapag-aralan at pagsama-samahin ang mga nasabing panukala. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home