MGA PRAYORIDAD NG DEPED PARA SA 2024, IPINABATID SA KOMITE; DESISYON SA CONFIDENTIAL FUNDS, IPINAUBAYA NI VP SA KONGRESO
Tinapos na ngayong Miyerkules ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinangunahan ni Vice Chairperson at Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora, ang pagdinig hinggil sa panukalang 2024 badyet ng Department of Education (DepEd), at mga sangay na ahensya nito na umaabot sa P758.59 bilyon.
Binigyang-diin ni Komite Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang napakahalagang papel ng DepEd sa pagtiyak ng abot-kamay na de kalidad na edukasyon para sa mga Pilipinong mag-aaral.
Kinilala rin niya na maraming hamon ang kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa, tulad ng kakulangan sa pasilidad at tauhan ng paaralan. Ipinunto ni Bise-Presidente at kasalukuyang Kalihim ng Edukasyon Sara Duterte na unang hiniling ng DepEd ang P900 bilyon para matugunan ang kasikipan sa mga silid-aralan, kakulangan ng mga guro sa pampublikong paaralan at iba pang mga nananaig na usapin sa sektor.
Gayunman, inamin niya na may mga kakulangan sa pondo sa lahat ng mga departamento, lalo na para sa mga serbisyong panlipunan.
Tiniyak niya sa mga mambabatas na gagawing institusyonal ng DepEd ang blended learning at maghahanap ng iba pang makabagong solusyon, upang mapunan ang kakulangan sa badyet.
Sinabi naman ni Iloilo Rep. Janette Garin na "madaling mamanipula" ang mga kabataan na tumutukoy sa paghikayat sa mga mag-aaral ng mga sindikato at mga rebeldeng grupo.
Ipinabatid din ni VP Duterte na "ang pangunahing edukasyon ay magkakaugnay sa pambansang seguridad," ngunit sinabi niyang ipauubaya ng ahensya ang usapin ng confidential funds sa diskresyon ng Kongreso.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home