Inamin ni Ombudsman Samuel Martires na maituturing nang endemic ang korapsyon sa Pilipinas.
Ito ang tahasang inihayag ni Martires sa pagsalang ng Office of the Ombudsman sa budget deliberations ng House Appropriations Committee para sa 2024 na nagkakahalaga ng 5.050 billion pesos.
Iginiit ni Martires na tumataas pa ang mga insidente ng katiwalian sa bansa at dumarami ang mga nasasangkot na ahensya ng gobyerno.
Pagbubunyag ng Ombudsman, hindi lamang Bureau of Customs at Bureau of Immigration ang departamento na kanilang binabantayan kundi maging ang mga tahimik na opisina.
Dahil dito, naniniwala si Martires na napapanahon na ang pagkakaroon ng subject simula kindergarten hanggang kolehiyo na higit pa sa Good Manners and Rights Conduct.
Ang panukala ng opisyal, isang God-centered values formation na inaasahang babago umano sa ugali ng mga Pilipino.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home