PAGPAPALAWIG NG BISA NG DRIVER’S LICENSE HANGGANG 12 BUWAN, IMINUNGKAHI SA KAMARA
Iminungkahi ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Department of Transportation - Land Transportation Office na palawigin ng 12 buwan ang validity o bisa ng mga driver's license.
Ginawa ito ni Lee makaraang maglabas ang korte ng temporary restraining order (TRO) na nagpapahinto sa pagtanggap ng LTO ng 5.2 million plastic cards na gagamitin sa pagproseso ng lisensya.
Sinabi ni ni Lee na nakapaloob sa inihain niyang House Resolution No. 1203 na layuning huwag magdulot ng problema sa mga driver ang nabanggit na pasya ng korte.
Kasabay nito, umapela rin si Lee sa mga kinauukulang ahensya na agad resolbahin ang isyu ukol sa pagbili ng mga license card para hindi na ito maulit sa hinaharap.
Dismayado si Lee na kahit nagbabayad ang publiko para sa drivers license ay walang naibibgay ang gobyerno.
Tinukoy ni Lee na simula noong 2015 ay palagi na lang nagkakaroong ndelays o backlogs sa pag-iisyu ng driver’s licenses dahil sa mga kasong may kaugnayan sa procurement license cards.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home