Friday, August 25, 2023

PAGDINIG SA PANUKALANG P15.54-B BADYET NG DMW AT OWWA, TINAPOS


Kagyat na tinapos ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinangunahan ni Vice Chairperson Rep. David “Jay-jay” Suarez (2nd District, Quezon), ang pagdinig sa panukalang 2024 badyet ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na nagkakahalaga ng P15.54 bilyon. Umaasa si Rep. Suarez ng pinakamagandang paghahanda ng badyet at depensa bilang parangal sa pumanaw na si Secretary Susan “Toots” Ople. Binigyang-diin ni DMW Undersecretary Maria Anthonette Velasco-Allones na ang prayoridad ng DMW ayon sa mga pangarap ni Secretary Ople ay gawing mas ligtas na tahanan ang ahensya para sa mga OFWs at kanilang mga pamilya. Binanggit ni Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson Rep. Ron Salo (Party-list, KABAYAN) kung papaano ang mga overseas Filipino workers (OFWs) noong 2022 ay nakapagbahagi ng aabot sa P1.8 trilyon sa ekonomiya ng Pilipinas. Subalit sinabi niya na ang inilaang badyet sa DMW at OWWA para sa kanilang serbisyo sa mga OFWs ay 0.26 porsyento lamang ng National Expenditure Program (NEP). Habang kinukumpara niya na ang badyet ay mas mababa sa alokasyon ng ahensya ngayong 2023, ipinahayag ni Rep. Salon na umaasa siya na maaamyendahan ng mga mambabatas ang badyet na kahit papaano ay maging kaparehas rin ang badyet para sa 2024. Kinilala ni Rep. Arlene Brosas (Party-list, GABRIELA) ang paglilingkod-bayan at adbokasya ng pumanaw na si Sec. Ople, upang matulungan ang mga migranteng manggagawa. Sinabi ni Rep. Brosas na susuriin ng Minoridad ang panukalang badyet ng DMW para sa 2024 pagdating nito sa deliberasyon sa plenaryo. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home