Friday, September 29, 2023

5Nanindigan ang Office of the Vice President o OVP na nasa kamay ng Kongreso ang pagpapasya kung ibibigay ang hiling na P500 million na “confidential funds” para sa susunod na taon.


Sa debate sa plenaryo ng Kamara para sa 2024 OVP budget --- tinanong ni ACT Teachers PL Rep. France Castro kung wala bang “violent reaction” ang OVP sa desisyon ng mga lider ng Kamara na ire-allocate o ilipat sa ibang tanggapan ang confidential and intelligence funds o CIF ng mga ahensyang wala namang kinalaman sa usaping seguridad ng bansa.


Ang sagot ni Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora, ang sponsor ng panukalang 2024 budget ng OVP --- “consistent” ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa posisyon nito na kanilang ipinauubaya sa “discretion at wisdom” ng Kongreso ang isyu ng CF.


Pero nang tanungin ni Castro kung handa ba ang OVP na talikuran o huwag tumanggap ng CF, sinabi ni Zamora na ang OVP ang nagpo-propose lamang kung papaano gagawin ang kanilang trabaho, at ang pag-apruba ng pondo ay nasa pagpapasya ng Kongreso.


Sinabi naman ni Zamora na ang CF ng OVP ay para sa implementasyon ng iba’t ibang programa at aktibidad, na inihahatid sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang central office at mga bagong satellite offices.


Target aniya ng OVP na mapababa ang kahirapan, mga banta sa peace and order, makamit ang sustainable development at iba pa. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home