Friday, September 29, 2023

Kahit LEDAC priorities natapos na, Kamara magtatrabaho kahit break—Speaker Romualdez


Pinayagan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga komite ng Kamara de Representantes na magsagawa ng mga pagdinig kahit na naka-break ang sesyon ng Kongreso.


Sa huling araw ng sesyon noong Miyerkoles, naghain ng mosyon si House Deputy Majority Leader at Pangasinan 6th District Rep. Marlyn L. Primicias-Agabas na payagan ang mga komite na magpatuloy sa pagtatrabaho upang matapos umano ang mga mahahalagang panukala sa panahon ng break mula Setyembre 28 hanggang Nobyembre 5, 2023.


“I move that we authorize all committees to conduct meetings and/or public hearings, if deemed necessary, during the House recess from September 28, 2023 to November 5, 2023,” ani Primicias-Agabas.


“Is there any objection? The chair hears none, motion is approved,” sabi naman ni House Deputy Speaker at Ilocos Sur 2nd District Rep. Kristine Singson-Meehan.


Ayon kay Speaker Romualdez, lider ng Kamara na may 310 miyembro, inatasan nito ng liderato ng Kamara na magsagawa ng pagdinig upang maipasa ang mga mahahalagang panukala kasama ang mga makatutulong na matugunan ang mataas na presyo ng mga bilihin.


“While we already passed almost all of our priority bills listed under LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council) and SONA (State of the Nation Address), we want to accelerate the passage of other House priority legislations,” ani Speaker Romualdez.


“We still have a lot on our legislative table and other urgent measures are in various stages of deliberation,” dagdag pa ni Speaker Romualdez sa kanyang talumpati bago nag-adjourn ang sesyon.


Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinabi ni Speaker Romualdez na patuloy na magsusumikap ang Kamara na maipasa ang mga panukalang batas na kailangan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matugunan ang mga pangangailangan ng publiko.


Sinabi ni Speaker Romualdez na pinagsusumikapan ng Kamara na magampanan ang mga trabaho nito at nananatiling katuwang ng Ehekutibo sa paglikha ng mga polisiya na makapagpapabuti sa kalagayan at kakayanan ng mga Pilipino.


"I am confident that with our steady and stable pace, driven by our eagerness to fulfill our duties, the rest of our targets are achievable. Let us do our best and prove that through our solid efforts, the nation is in good hands… Let us continue working to fulfill our obligation and tackle the lawmaking process with greater fervor,” saad pa nito.


Inulat ni Speaker Romualdez noong Miyerkoles ng gabi sa kanyang mga kapwa mambabatas na naipasa na ng Kamara ang lahat ng 20 panukala na prayoridad na maisabatas ng LEDAC. Ito ay mas maaga ng tatlong buwan sa napagkasunduang deadline sa Disyembre.


“We are three months ahead of target…Salamat sa tulong ninyong lahat. Mission accomplished po tayo - tatlong buwan bago matapos ang deadline na nakagkasunduan ng Senate, House of Representatives at Executive department,” wika ni Speaker Romualdez.


Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang secretariat at congressional staff sa kanilang pagsusumikap na nagresulta sa record-breaking accomplishment ng Kamara.


"Again, I thank all of you, including our hardworking secretariat and congressional staff, for a commendable job. Congratulations on the hard work, support, and efficiency," dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Ipinaabot din ni Speaker Romualdez ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa kanyang mga kapwa mambabatas, kasama ang mga nasa minorya sa tagumpay na naabot ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home