4PANUKALA NA MAGPAPARUSA NG HABAMBUHAY NA PAGKABILANGGO SA MGA SANGKOT SA AGRI-SMUGGLING, PASADO SA IKATLONG PAGBASA
Nagkakaisang inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na naglalayong lagyan ng ngipin ang umiiral na Anti-Agricultural Smuggling Act, o ang Republic Act (RA) No. 10845, sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusang habambuhay na pagkabilanggo sa mga agri-smugglers.
Ang House Bill (HB) No. 9284, na kilala rin bilang Anti Agri-Fishery Commodities and Tobacco Economic Sabotage Act, ay nakakuha ng botong 289 sa isinagawang nominal voting, hatinggabi ng Miyerkules.
Ang smuggling ng bigas at iba pang mga produktong pang-agrikultura ay tinutukoy na isang “economic sabotage" sa ilalim ng panukala—isang krimen na may kaakibat na kaparusahan na habambuhay na pagkabilanggo.
"Malapit nang matapos ang mga maliligayang araw ng mga smugglers, hoarders, at ang mga nagca-cartel. Your days are numbered. Once this bill is enacted, we will use its provisions to the fullest in order to prosecute these evil-doers who made our kababayans suffer," ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Habang ipinapahayag ang kahalagahan nito, ang pagsusulong HB No. 9284 ay nangyari habang dinedebate sa plenaryo sa P5.768-trilyong General Appropriations Bill (GAB), o ang panukalang pambansang badyet para sa 2024.
Ang titulo ng panukala ay "An Act declaring large-scale agri-fisheries commodities and tobacco smuggling, hoarding, profiteering, cartelizing, and other Acts of market abuse as economic sabotage, Amending for the purpose Republic Act No. 10845, otherwise known as the Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016."
Nauna nang sinabi ni Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan at pang-apat sa pinakamataas na opisyal sa bansa, na umaasa siya na magkakaroon ng nakakatakot na epekto ang panukala sa mga indibidwal sa sektor ng agrikultura na umaabuso sa mga kawawang konsyumer.
"This bill will help realize President Marcos' aspirations of affordable produce and food self-sufficiency. It's unanimous passage speaks volumes," ani Romualdez, at idinagdag na ang Kapulungan ay nananatiling naninindigan sa pagsuporta sa mga inisyatiba ni Pangulong Marcos bilang Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura (DA).
Inendorso ng Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kapulungan na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, para sa pag-apruba sa plenaryo ang panukalang agricultural economic sabotage law.
Noong nakaraang linggo, tiniyak ni Speaker Romualdez na ang panukala, bilang bahagi ng 20 prayoridad na panukala na itinala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na ipapasa ngayong Disyembre, ay maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa bago mag recess ang Kongreso sa ika-30 ng Setyembre. # wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home