CHINA WALANG KARAPATAN NA PAGSABIHAN TAYONG UMAYOS SA SARILI NATING TERITORYO—REP. ERWIN TULFO
IGINIIT ngayon (Set. 27) ni House Deputy Majority Leader Erwin T. Tulfo na walang karapatan ang China na pagsabihan tayo na ‘umayos’ sa ating sariling teritoryo.
Tugon ito ni Rep. Tulfo sa pahayag ng China na lumabas sa mga pahayagan ngayon na umayos at huwag manggulo matapos tanggalin ng Philippine Coast Guard ang “floating barrier” na inilagay ng China para harangan ang mga Filipino na makapangisda sa Bajo de Masinloc.
“Wala silang karapatan na pagsabihan tayong umayos sa sarili nating teritoryo. Kahit ano pa ang itawag nila sa Bajo de Masinloc sa Zambales sa Pilipinas pa rin ito. ‘Yan ang malinaw dito,” giit ni Tulfo.
Sinuportahan din ni Tulfo ang ginawa ng Coast Guard sa pagtanggal ng floating barrier para ipamukha sa China na iginigiit natin ang ating karapatan sa lugar.
Pinuri din ng mga political party leaders ng kongreso ang ginawa ng PCG sa pagtanggal ng mga barriers na ito.
Inilipat din ng House ang mga Confidential at Intelligence Funds (CIF) ng mga civilian agencies sa Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Security Agency, at National Intelligence Coordinating Agency para mabantayan ng mabuti ang West Philippine Sea.
Kasabay nito, sinabi rin ng ACT-CIS congressman na napapanahon na talaga na ilapit na ang problema sa United Nations (UN) at sa mga kaibigan nating malalaking bansa para tulungan tayo na magpatrulya sa naturang lugar.
“Sino ba itong China na pagsabihan tayo sa dapat nating gawin sa ating teritoryo? Sobra naman na ang baba ng tingin sa atin ng ating dambuhalang kapitbahay? Wag tayong pumayag na pinagaasabihan at maging sunud sunuran na lamang sa kanila,” ani Tulfo.
Sinabi pa ni Tulfo na napapanahon na na magpasaklolo tayo sa mga kaibigan nating bansa tulad ng Estados Unidos, Japan at iba pang mga kaibigan nating bansa para sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea.
“Hindi naman siguro tayo bobombahin ng China kung sakaling igiit natin ang ating karapatan at panindigan ang mga exclusive economic zone na ito ay atin hindj lang sa salita kundi sa gawa”, anang mambabatas.
I am sure tutulungan tayo ng international community kung sakaling giyerahin tayo ng China. It’s time we physically assert what is ours dahil wala namang nangyayari sa puro protest”, dagdag pa ni Tulfo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home