Thursday, September 07, 2023

Panawagan ni PBBM na palakasin kooperasyon ng ASEAN Plus Three para sa seguridad sa pagkain pinuri ng House Speaker



Pinapurihan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paghikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na palawakin ang ugnayan sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at katuwang na bansa sa East Asia upang magkaroon ng kasiguruhan sa suplay ng pagkain lalo na sa panahon ng pangangailangan.


Sa intervention ng Pangulo sa 26th ASEAN-Plus Three Summit sa Indonesia nitong Miyerkules, iginiit ni Pang. Marcos ang pangangailangan na patatagin ang emergency rice supply o ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) at dagdagan pa ang reserbang pagkain.


Binubuo ang ASEAN-Plus Three ng 10 ASEAN Member States, China, Japan, at South Korea. Dumalo sa pagtitipon sina Chinese Premier Li Qiang, Japanese Prime Minister Fumio Kishida at South Korean President Yoon Suk Yeol, na nagsisilbing coordinator ng Plus Three, at nagpahayag ng suporta sa ASEAN.


“The recent spike in rice prices worldwide underscores the urgent need for stronger regional cooperation to ensure mutual food security and the President’s call for action at the APT Summit is a prudent course of action,” saad ni Romualdez, lider ng 311 mambabatas ng Kamara de Representantes


Hulyo ngayong taon ng maitala ang pinakamataas na presyo ng bigas mula noong Setyembre 2011 bunsod ng desisyon ng India, ang nangungunang rice exporter sa mundo, na ipagbawal ang pagluluwas ng kanilang white rice upang mapahupa ang pagsipa ng presyo ng bilihin sa kanilang bansa.


“Neighbors helping feed each other is the highest and sincerest form of cooperation. The House is ready to work on the passage of necessary legislation to operationalize such expanded mechanism for such purpose,” dagdag ng House Speaker.


Ayon kay Romualdez, suportado rin ng Kamara ang paglalaan ng P197.84 bilyong na pondo para sa sektor ng agrikultura para sa 2024 na mas mataas ng 6 porsyento kumpara sa kasalukuyang 2023 budget.


“We will likewise ensure the proper utilization of the 2024 budget for the agriculture sector to boost our country’s own food security,” aniya.


Bilang bahagi ng oversight function ng Kamara, matatandaan na pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga warehouse ng bigas sa Bulacan kasama ang Bureau of Customs.


Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas ay inilabas ni Pang. Marcos ang Executive Order No. 39 na nagtatakda ng price cap sa retail price ng bigas.


Isa pa sa binigyang diin ng Pangulo sa APT na magkaisa, dahan-dahang harapin ang mga hamon at pagtulungan ang pagpapalakas ng food security at climate change mitigation and adaptation.


Binigyang halaga ng Pangulo ang pangangailangan na maisulong ng APT ang pangmatagalang agricultural at food production system upang matiyak na matutugunan ang mga pangangailangan sa pagkain ng hindi makokompromiso ang kapaligiran. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home