PANUKALA NA LILIKHA NG MEKANISMO PARA SA MGA KONSYUMER NA MAKAKUHA NG REFUND SA PAGKAWALA NG SERBISYO SA INTERNET, PASADO SA KAPULUNGAN
Nagkakaisang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang panukala na isasa-institusyon ang mekanismo na magre-refund sa mga konsyumer sa pagkawala ng internet o serbisyo sa telekomunikasyon.
Sa botong 278 ngayong madaling araw ng Martes, ipinasa sa sesyon sa plenaryo ang House Bill (HB) No. 9021, na tinaguriang "Refund for Internet and Telecommunications Services Outages and Disruptions Act".
"Stable Internet is tantamount to a basic human right nowadays given its many applications that make life easier. And since this is paid service, getting a refund for service failure is only just," ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Ang mga pangunahing may-akda ng panukala ay sina Reps. Toby Tiangco, Gus Tambunting, France Castro, Raoul Danniel Manuel, Manuel Jose Dalipe, LRay Villafuerte, Paolo Duterte, Eric Yap, Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Ralph Wendel Tulfo, Ivan Howard Guinto, Bryan Revilla, Alfredo Marañon III, Cheeno Miguel Almario, Rosanna Vergara, Aurelio Gonzales Jr., Yevgeny Vincente Emano, Edgar Chatto, Emigdio Tanjuatco III, Fernando Cabredo, Francisco Paolo Ortega V, Erwin Tieng, Jernie Jett Nisay, Jose Gay Padiernos, Loreto Acharon, Maria Angela Garcia, Margarita Nograles, Kristine Singson-Meehan, Francisco Benitez, Ramon Jolo Revilla III, Wilter Palma, at Lordan Suan.
Iminamandato sa panukala ang mga public telecommunications entities (PTEs), kabilang ang mga internet service providers (ISPs) na "(to) provide a refund credit to a customer, or adjust a customer’s bill, who was adversely affected by an Internet service outage or interruption for an aggregate period of twenty-four (24) hours or more, within a month".
Dapat ding gawin ito ng PTEs batay sa pro-rated basis, ayon sa panukala.
Subalit hindi uubra ang refund kung ang dahilan ng pagkawala ng signal ay dahil sa nakatakdang pagmamantine, na kailangang mag-abiso nang hindi lalagpas sa 48 oras bago ang itinakdang pagmamantine, na hindi lalagpas ng 48 oras sa isang buwan; isang hindi inaasahang pangyayari; o kagagawan ng ikatlong partido o subscriber mismo.
A isang hindi inaasahang pangyayari (fortuitous event) na itinuturing sa panukala ay maaaring “an act of God” o natural na kaganapan, tulad ng pagbaha, bagyo, daluyong, lindol, at mga katulad nito; o “an act of man”, tulad ng mga riots, welga, digmaan, mga pagbabawal ng pamahalaan, panloloob, pagnanakaw, sabotahe, cyberattacks, sinasadyang pagwasak, o aksidenteng pinsala sa mga pasilidad ng telekomunikasyon ng ikatlong partido at mga katulad nito.
Ang mga may kaugnayang PTEs at ISPs ay dapat na mag-aplay sa awtomatikong pag-aayos ng paniningil, na hindi na kinakailangan ng hiling mula sa mga subscriber, matapos ang pamantayang proseso, na hindi hahadlang sa mga konsyumer sa paghahain ng reklamo sa mga kinauukulang administratibo, o mga quasi-judicial na ahensya para sa mga pagtatalo hinggil sa refund o halaga sa bill adjustment.
Ang refund credit na iginawad sa ilalim ng mga pangyayari na nabanggit, ay maggagawad rin sa mga konsyumer na gumagamit ng serbisyo sa pre-paid basis.
"This proposed law will cover all PTEs and ISPs in country," ani Speaker Romualdez.
Ang mga lumalabag sa mga probisyon ng panukalang batas ay mahaharap sa multang hindi bababa sa limampung libong piso (₱50,000.00) subalit hindi lalagpas ng dalawandaang libong piso (₱200,000.00) sa bawat bilang ng paglabag.
Samantala, ang mga PTEs o ISPs na may paulit-ulit na paglabag ay mahaharap, hindi lamang sa multa, kungdi tatanggtalan rin ito ng lisensya, rehistrasyon o prangkisa alinman ang may kaugnayan sa kaso, kabilang na ang pagsasawalang bisa ng pre-termination fees ng mga apektadong subscribers, at napapanahong disbursement ng anumang natitirang kredito mula sa sobrang oras.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home