Umaasa si House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles na magtuloy-tuloy ang mga hakbang ng Department of Education o Deped, para sa kapakanan ng mga guro sa bansa.
Ang pahayag ni Nograles ay kasabay ng pagdiriwang ng National Teacher’s Month ngayong Setyembre.
Ayon kay Nograles, kabilang sa magandang ginawa ng Deped sa pamununo ni Vice Pres. Sara Duterte ay ang 30-day break para sa mga pampublikong guro, at ang pagbabawas ng “administrative tasks” sa 11 mula sa 56.
Ang mga ito aniya ay napapanahong “interventionsa” para sa mga teacher.
Isa pang tinukoy ng kongresista ay ang nakatakdang paglulunsad ng “website” upang asistihan ang mga guro kaugnay sa mga problema sa kanilang financial contract loan.
Sinabi ni Nograles na kanyang ikinalulugod na masigasig ngayon ang Deped sa paghahanap ng mga paraan upang maibsan ang mga pasang responsibilidad ng ating guro.
Hindi rin aniya lingid sa lahat na may mga guro na nabibiktima ng iba’t ibang sitwasyon gaya ng “loan sharks” kaya kailangang bigyan sila ng financial education, legal assistance at iba pa upang maputol na ang “cycle” ng utang at kahirapan sa kanilang hanay.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home