Nanawagan si Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. sa National Youth Commission na isailalim sa values-centered training programs ang mga mahahalal na opisyal ng Sangguniang Kabataan.
Ito'y bahagi ng inisyatiba na magtataguyod sa "Bagong Pilipinas" campaign ng administrasyong Marcos.
Ayon kay Abante, karaniwang malapit sa tukso ang SK leaders habang ginagampanan ang tungkulin at karamihan sa kanila ay bumibigay umano rito.
Dahil dito, ipinunto ng kongresista na dapat bumuo na ang NYC ng mga programa na magpapatibay sa "moral compass" ng mga opisyal ng SK upang magsilbi silang magandang halimbawa sa mga kabataan.
Magiging matagumpay aniya ang Bagong Pilipinas initiative kung ituturo sa SK leaders hindi lamang ang usaping teknikal sa pagganap sa tungkulin kundi ang pagpapaalala na ang kabataan ang nananatiling pag-asa ng bayan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home