PAG-AMYENDA SA MGA MAHIHIGPIT NA PROBISYONG PANG-EKONOMIYA NG 1987 KONSTITUSYON, IGINIIT NI SPEAKER ROMUALDEZ AT SINABING NAKAKALIGTAAN ANG DAYUHANG PAMUHUNAN NA MAKAKALIKHA NG MARAMING TRABAHO AT MAGSUSULONG NG KAUNLARAN
Iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Martes ng gabi, ang pangangailangan na maayendahan ang luma na at mahihigpit na probisyong pang-ekonomiya ng 1987 Konstitusyon, para makahikayat ng mas maraming dayuhang pamuhunan, lumikha ng mga trabaho, magbukas ng mga oportunidad sa kabuhayan at magsulong ng kaunlaran.
Sa kanyang mensahe sa idinaos na Philippine Constitution Association (Philconsa) Day at Senate Night sa Fairmont Raffles Hotel Ballroom, Lungsod ng Makati, sinabi ni Romualdez na ang pag-amyenda sa mga mahihigpit na probisyong pang-ekonomiya sa Konstitusyon ay magbibigay ng bagong anyo sa kinabukasan ng ekonomiya ng bansa.
Ang okasyon ay isang magkasanib na inisyatiba ng Manila Overseas Press Club (MOPC) at Philconsa.
“In summary, our Constitution, as noble and well-intentioned as it is, has elements that are no longer adaptive to our needs,” ayon kay Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng Kinatawan at Pangulo ng Philconsa.
Ang mga tinutukoy ni Romualdez ay ang mga sumusunod: Article XII, Section 10, mandating a 60-40 ownership in favor of Filipinos in the development of natural resources; Article XVI, Section 11, limiting mass media ownership exclusively to Filipino citizens; and Article XII, Section 11, capping foreign ownership of land.
“Amending these provisions isn't just a matter of law—it's about transforming the opportunities available to every Filipino. It's about catalyzing a new era of prosperity, characterized by more robust economic growth, technological advancement, job creation, and ultimately, a better quality of life for each and every citizen,” ani Romualdez.
Ipinunto niya na kahit na ang mga probisyong ito ay hinubog na may layuning makabayan, ang mga naturang regulasyon ay may mga hindi sinasadyang resulta, tulad ng limitadong paglikha ng trabaho, at iba pa.
“Countries like Vietnam and Indonesia have been welcoming foreign direct investments with open arms and reaping substantial benefits, mainly through job creation. We, on the other hand, have missed out on these opportunities due to our stringent regulations,” ani Romualdez.
Binanggit niya na ayon sa World Bank, ang ating FDI net inflows ay lumago ng aberahe na 3.9 porsyento lamang sa pagitan ng 2010 hanggang 2019, kumpara sa Vietnam na 7.6 porsyento at Indonesia na 9.4 porsyento. Bukod pa rito, sinabi niya na ang World Economic Forum's Global Competitiveness Report noong 2019 ay inilagay ang bansa sa ika-64 na pwesto sa 141 na mga bansa.
“These aren't just numbers; they are indicators of lost opportunities,” ani Romualdez.
Ang limitadong FDI inflow ay ipinagkaila rin sa atin ang mahalagang pamuhunan at kadalubhasaan na kinakailangan para sa pambansang kaunlaran, at inilagay ang ating bansa sa lubos na kawalan ng ating abilidad na makahikayat ng pamuhunan sa teknolohiya, pagsasaliksik at kaunlaran, ayon pa kay Romualdez.
“Fewer players in the market mean less competition, leading to higher prices for ordinary consumers. This affects everything from the food on our table to the quality of the internet we use,”aniya.
“As a nation, we can ill afford to be prisoners of the past; we must be architects of our future. The call for change is both loud and clear, and the time to act is now. With your support, your advocacy, and your belief in a brighter tomorrow, we can take this monumental step forward,” dagdag ni Romualdez.
Habang ang 1987 Konstitusyon ay maituturing na haligi ng pangangalaga sa ating mga instiutusyong demokratiko at pambansang kasarinlan, sinabi ni Speaker na kinikilala ng Kapulungan na ang kakayahang umangkop ay sandigan ng epektibong pamamahala.
Sinabi niya na nagsagawa na ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng hakbang sa usaping ito, sa pag-apruba ng Resolution of Both Houses 6 (RBH 6) at House Bill 7352 noong Marso ngayong taon.
Ang RBH 6 ay nananawagan ng isang constitutional convention para magmungkahi ng mga amyenda o magrepaso sa 1987 Konstitusyon, habang ang HB 7325 ay idinedetalye ang proseso sa pagpapalit ng charter sa pamamagitan ng isang hybrid constitutional convention, na ang mga miyembro ay kabibilangan ng mga hinirang ng Kapulungan at mga delegado mula sa bawat distrito na pinili ng mga botante sa pamamagitan ng halalan.
Sa ilalim ng panukala, ang halalan para sa layuning ito ay upang idaos nang sabay-sabay sa halalang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan na gaganapin sa Oktubre ngayong taon. Subalit ang naturang halalan ng mga delegado ng Con-Con ay hindi maisasagawa dahil hindi pa naipapasa sa Senado ang kanilang bersyon ng panukala.
Sinabi ni Romualdez na isinusulong ng mga mambabatas ang constitutional convention bilang pamamaraan para amyendahan o rebisahin ang charter dahil pahihintulutan nito ang malalimang pag-aaral ng mga probisyong pang konstitusyon na ganap na kakatawanin ng lahat ng sektor ng lipunan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home