Tiniyak ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na hindi nila papayagan na mamamayagpag ang one pen voting sa mga controlled areas partikular sa Autonomous Region ni Muslim Mindanao (BARMM) lalo at napapalapit na ang Barangay at SK elections sa buwan ng Oktubre.
Ito ang inihayag ni Garcia sa budget deliberation ng House Committee on Appropriations kung saan tinatalakay ang proposed budget ng Comelec para sa fiscal year 2024.
Sa naging pagtatanong ni Lanao del Norte Rep. Mohammad Khalid Dimaporo kay Chairman Garcia kung anong mga hakbang na kanilang ipinatupad para hindi na maulit ang tinatawag na one pen voting.
Tugon naman ni Garcia, na hindi na mauulit ang nasabing insidente.
Ibinunyag din ng chairman ng poll body na ang pag cluster sa mga voting centers ay hindi na rin nila papayagan dahil ginagamit na rin ito ng mga incumbent officials sa pamumulitika.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home